Friday, February 11, 2005

Ang buhay ng isang kolektor!

Isa sa mga pinagkakaabalahan ko ay ang pangongolekta. Nagsimula ako sa pangongolekta ng Pilipino Funny Komiks(at hanggang ngayon di ko pa tinitigilan dahil na rin sa nakasanayan na at ito ang pinakamalaking koleksyon ko sa ngayon), tapos natuon sa mga cards at teks(X-Men, Marvel) at comics nila(pero di ko na itinuloy dahil mahal bumili nito), tapos nang lumabas na ang animes tulad ng Sailormoon, Ghost Fighter, atbp. nangolekta ako ng mga teks ng mga ito. Nung natutunan kong paganahin ang aming VHS player, nagsimula na akong mag-record ng mga animes sa TV. Sa ngayon, yung ibang tapes medyo inaamag na dahil sa katagalan. sana mapanood ko pa yung mga anime na yun. Ngayon, nagconcentrate muna ako sa Funny Komiks at mga Filipino-made comics and magazines. Hindi ko maipaliwanag ng mabuti kung bakit ako nangongolekta pero siguro dahil ito ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan. ^_^

shout-outs: barnacleboy, syao-chan, animewarriordoncute at sailormoon = salamat sa mga pananaw nyo sa Ragnarok topic ko.

Social Blog:
seia: Thanks!

WITCH HUNTER RODEL: para sa akin, ok lang kung tungkol sa Japanese culture pero kung sa referring names tulad ng -chan, parang di kasi bagay.

Misaki: Sang-ayon ako sa iyo. pareho tayo ng nararamdaman ukol sa bagay na iyan. iniisip ko na baka kindred spirits tayo pagdating sa taste natin sa anime. ^_^

Anime Kabayan: Your welcome! Kahit magkaiba ang ating pananaw tungkol sa mga anime na pinapanood natin, kahit papaano ay naibibigay natin ang ating saloobin ukol dito na di napupunta sa away.

bye-bye muna! see ya later, alligator!

4 comments:

Anonymous said...

Misaki here.

Wakokokoko. Ikaw na siguro ang male version ko pagdating sa anime! *tawa*

Funny Komiks? Sounds familiar. Elementary pa lang ako nung huli kong makita yung Komiks na yon.

Nagrerecord ka pala ng anime. How I wish nagagawa ko yan para ngayon panood-nood na lang ako o kaya sinusulat ko script nila, hee hee hee. (magpapractice maging dubber!)

Nangongolekta ako dati ng teks. Honestly speaking, nasa cabinet ko pa ren yung mga teks ko. Puro Dragon Ball, Sailor Moon and Yuyu Hakusho lang naman, yun kase ang mga patok dati. Naglalaro talaga ako non when I was still a kid, pinagkakamalan na nga akong tomboy. I quit nong binenta ko yung maliliit na teks (hindi yung mga anime, malalaki yung anime teks dati) for ten pesos. Malaki na ren yung ten pesos that time, heeheehee.

Sa ngayon, for practice drawing purpose na lang yung mga anime teks ko. Hindi na rin ako bumibili.

Unknown said...

Funny Komiks?

Nangongolekta kami ni Sanzo niyan dati, lalo na yung series na Tinay Pina at AX!

LUPET!

Anonymous said...

from animemp3hunter of anime themes filipino edition
wow Jan Michael you have true online friends na napapansin kong napakalapit sa iyo tulad ni Misaki at ng Magtibay Twins, saludo ako sa inyo.

alam mo naman ako, pag dating sa anime themes diyan ako magaling, nahilig na ako sa mga anime music noon pa tulad ng sa voltes v at astroboy, kahit batang musmos pa ako noon at wala pa akong alam sa computer at mp3 na yan,
wow di ko alam kung paano ko nakolekta lahat ng themes ko
kahit mga super rare nahahanap ko

pero sir ikaw pa rin ang tunay na anime collector saludo ako sa iyo,
continue to dream, believe, survive..

pixievina said...

waaaa FUNNY KOMIKS MISS KO NA..
wala na kasi ako makita nagti2nda nun eh XD..
may AX pa ba?? hehe...

@tar
Pashare ng mga narecord mo..
tagalog version ng sailormoon