Tuesday, July 26, 2005

Mabuhay ang Hero TV, ang unang Filipino-Dubbed Anime channel sa Pilipinas!

Kamakailan, may kumalat na balitang isang bagong channel ang i-lalaunch ng ABS-CBN(actually, isang subsidiary ng ABS-CBN ang mamamahala, ang Creative Programs, Inc.) sa pakikipagtulungan ng Telesuccess Productions, Inc., na mag-fefeature ng mga Filipino-dubbed animes, world-class animations, at Japanese live-action series. At ngayon, na-kumpirma na ang bagong channel na tinawag na HERO TV. Official launch ng Hero TV ay magaganap sa darating na buwan ng Agosto. Marami na ang nag-aabang sa channel na ito(isa na po ang inyong lingkod). Matagal ko na rin na gusto kong may makaisip na gumawa ng isang Filipino-dubbed anime channel na maglalabas ng mga dating animes na lumabas sa mga local channels natin noon na kinagiliwan ng mga Pilipinong manonood at mga bagong anime na tiyak na kakagigiliwan rin. Kumalat na rin ang balitang ito sa mga forums sa net. Iba-iba ang mga naging reaksyon ng mga ito, may mga gusto at natuwa dahil mapapanood na ulit nila ang mga kinagiliwang anime noon pero meron ring mga tutol at nagtaas ng kilay dahil panget ang naka-line-up na anime nila at panget ang anime dahil dubbed sa Pilipino ang mga anime at hindi naman daw puro anime ang nakalagay, at kung anu-ano pang kadahilanan. Para sa akin naman, hindi na importante sa akin kung may ayaw na mga anime fans dito sa Hero, kanya-kanya tayo ng panlasa paagdating sa anime, at ako gusto ko ang anime na dubbed sa Filipino at may variety ang mapapanood mo, di lang anime. Kaya buo ang suporta ko para sa Hero TV. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Hero TV, magsadya lang kayo sa kanilang blog(ang kanilang official site ay kasalukuyan pang ginagawa kaya itong blog na muna ang bisitahin nyo para sa inyong mga kumento at mga panukala): HERO TV BLOG at para sa karagdagang topic ukol rito, puntahan nyo rin ang blog ng aking kaibigang si Anime Kabayan. Sana ay magtagumpay ang HERO TV dito sa Pilipinas, para ito sa mga Pinoy Anime Fans. Mabuhay kayo.

P.S. Salamat sa mga comments nyo, Anime Kabayan, julian, Nelson, witch_slayer_rodel, Misaki, Irish, at nagi sa huling entry ko sa blog. Thanks rin kay tetsugaku-sha at Anime Kabayan para sa suggestion ng bagong topic na ito. Pasensya na kayo kung ngayon lang ulit ako gumawa ng bagong blog entry. Wala kasing maisip na bago. Buti at dumating ang news tungkol sa Hero TV. :D