Saturday, December 29, 2007

Muling nagbabalik ang Naruto sa ABS-CBN!

Para malaman ang buong detalye, panoorin nyo ang video na ito:



Sa ad na nakita nyo, sinabi roon na ipapalabas muna ng ABS-CBN ang last 12 episodes ng 1st series ng Naruto dahil nung nakaraang airing ng tinatawag ng ABS-CBN na Season 4 ay hanggang episode 208 lang ang naipalabas nila. Kaya itong last 12 episodes muna ang ipapalabas bago nila ipalabas ang 2nd series ng Naruto na pinamagatang Naruto Shippuden. Pero dito sa Pilipinas ay tinawag nila "Special Season 5" ng Naruto ang mga episodes na ito. Hopefully, ang maipapalabas ng ABS-CBN this time around ay hanggang episode 40 ng Naruto Shippuden kung susundin ang kanilang curren record na bumibili sila ng 52 episodes kada season o kaya naman hanggang sa matapos ang Rescue Gaara Arc na sa episode 32 ng Shippuden matatapos.

Wednesday, December 05, 2007

Bumoto na kayo sa Otaku's Verdict 2007!

Nagsimula ang botohan sa Otaku's Verdict 2007. Simula December 5-December 20, 2007 ang voting period. Sa December 28, 2007, ipapaskil sa OV Website ang resulta ng mga nanalo sa polls.

Iboto na ang mga anime na angat sa inyo ngayong taong ito sa parehong Local at Cable TV.

Heto ang link ng OV 2007 voting booth: Otaku's Verdict Voting Booth

Para sa karagdagang impormasyon, punta lang sa link na ito: Otaku's Verdict Website

Boto na!