May mga nagtatanong kasi sa akin kung bakit mas gusto ko ang mga anime na inilalabas sa ABS-CBN kaysa sa GMA samantalang mas maayos magpalabas at "magdub" ang huli kaysa sa una. marami akong dahilan para diyan. at heto ang mga rason ko.
1. Marami sa mga nagustuhan kong anime ay nagmula sa ABS-CBN.
2. Sa aking opinyon, mas magaling magdub ang mga dubbers dito sa ABS-CBN. Kahit sabihin natin na karamihan ngayon sa mga dubbers ay independent at palipat-lipat sa mga istasyon, karamihan po sa mga ito ay nagsimula at nahasa ang kakayahan sa dubbing sa ABS-CBN.
3. My kaugnayan ito sa no. 2 na dahilan. Para sa akin, mas maraming dubbers sa ABS-CBN kaysa sa GMA at maraming baguhan ang napro-produce nila. Sa GMA kasi, madalas sila-sila na lang mga dubbers ang nagboboses sa mga animes. Magaling nga sila dahil mga beterano na sila sa propesyon ng pagdadub pero dapat magtrain rin naman ng iba para may bago naman sa pandinig.
4. Karamihan sa mga animes sa GMA ay nanggaling sa Telesuccess. Hindi ko sinasabing hindi maganda ang mga anime nila pero wala ba sariling diskarte ang GMA sa pagkuha at pag-angkat ng anime. Umaasa na lang sila sa Telesuccess sa kanilang anime programming.
Yan ang mga dahilan ko. Kahit may bagay akong kinaiinis sa ABS-CBN pagdating sa anime(ex. editing at pagcut sa opening/ending), nananatili pa rin ang pagsuporta ko sa anime sa ABS-CBN. Pero in fairness naman sa GMA, nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil kahit papaano nagkaroon ng iba pang mapagpipilian mga animes ang mga anime fans. Salamat sa inyong pagbabasa nitong entry na ito. ^_^ Domo Arigato!
Social Blog:
Tar: salamat sa iyong reaksyon. ^_^
Yui: Well ganun na nga siguro. masarap rin namang makapunta sa Amerika pero sa tingin ko kahit mahirap mabuhay dito sa Pinas, mas masaya naman kung sa sariling bayan ka, di ba?
The MAGTIBAY ANIME EyeWatchers: Happy New Year rin sa inyong diyan. Impossibleng mangibabaw ang ratings ng anime ng 2 sa 7 kung nationwide ang pag-uusapan, hindi naman lahat ng tao nakakapanood ng anime ng 2 dahil na rin sa mga Regional Networks.
yun lang muna. hanggang sa muli. :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
ang galing nyo po sir zen! tama kayo sa mga pinagsasasabi nyo! seia
Wakokokoko, si Misaki ito. Anyways, ang masasabi ko ay pareho lang tayo ng mga reasons. I think yung mga taong maka-GMA pagdating sa anime ay yung mga masyadong humanga noong pinalabas nila ang Voltes V and Ghost Fighter. *shrugs* Para sa akin, hanggang mata lang ang mga anime ng GMA. Ang mga anime ng ABS-CBN kase for me may mga sentimental values (baket kaya? hindi naman ako palanood ng soap operas, LOL. I guess medyo may pagkaemotional lang ako). Hindi siguro nila (ng mga avid GMA anime fans) naranasan na kwentuhan sila ng kanilang teacher about a certain episode na anime (LOL, nung 1st year HS ako nagkukwento yung teacher ko, na obviously walang alam sa anime, about Georgie imbis na maglecture!!), na magkantahan during lunch break with your classmates ng mga tagalized anime songs, na makinood ng The Family Trapp Singers sa school canteen, na humanga sa mga dubbers (duh, panonood lang ng anime at paninira ang kaya nila. Wala ba silang ibang pangarap kundi yon? Ako gusto ko maranasan maging dubber, pero mas gusto ko maging dubbing director XD). Oh well.. yun lang muna siguro. Antok na ako eh. Basta mahal ko pa ren ang anime sa ABS-CBN!!
Mabuhay! XD XD
No disrespect sa opinyon mo, pero gusto ko lang sanang itanong sa ABS-CBN ang tungkol sa Gundam Seed. Una, ibabase ko muna ang anime na ito sa English version. Kira Yamato was the first person in the series to say the word "GUNDAM". Pero sa tagalog version, si Yzak Joule pa ang naunang nagsabi. Paano nila ipapaliwanag ang scenario na ito? Baka sabihin nila na MALI pa yung English version.
Nagtatanong lang po. ^_^
Thanks for the answer Zen, direct from Mr. Michael Punzalan, the dubbing director of Gundam Seed. I have to admit, marami dito sa San Pablo City ang lubhang nagtataka sa naging dubbing ng GSeed sa ABS-CBN. Masasabi kong very sensitive ang issue sa dubbing technicalities, mapa-GMA, ABS-CBN o kahit American dubbing pa iyan. Thanks again, Zen. Mabuti sa ating mga anime fans na nagpapalitan ng paliwanagan, di tulad ng mga pulitiko dyan... hehehe ^_^
konnichiwa! gusto ko lang din mag-comment tungkol sa mga anime shown in local tv,sa tingin ko pareho lang sila (abs-cbn at gma)na magaganda ang anime! pero kung pagalingan sa dubbing ang paguusapan, eh abs-cbn at kung sa translation gma!
Post a Comment