Marahil nagtataka kayo kung bakit ganito ang pamagat ng aking blog ngayong Disyembre. Kay ko nasabi ito dahil ito ang unang Pasko na wala sa piling ko ang aking mom at ang dalawa kong kapatid. Wala na kasi sila rito sa Pilipinas. Na-migrate na sila sa Amerika particularly sa Chicago dahil sa petition ng lolo ko sa aking mom. Tapos umalis na rin ang Tito at Tita ko noong martes papuntang Amerika. Tanging ako at ang lolo at lola ko na lang ang natira dito sa Olongapo. Kaya talagang malungkot ang Pasko namin ngayon. Di na tulad ng dati. Pero masaya rin naman kahit papaano dahil baka doon ay makamit nila ang swerte at tagumpay sa Amerika na di nila naranasan dito. Pinagdarasal ko na lang ang kalusugan at kaligtasan nila doon.
Anyway, mula sa lungkot ay mapunta tayo sa inis(biglang ganito). Hindi ko sinisisi ang dubbing staff ng ABS-CBN dahil sa mga putol sa anime na dinudub nila kasi nga taga-dub lang naman sila. Ang inis na inis ako ay sa mga editors ng istasyon na hindi ko alam kung matatanda na sila kaya medyo conservative sila o talagang wala lang silang alam sa pag-eedit ng mga eksena. Ok lang naman sa akin kung tanggalin nila ang mga eksena na di puwedeng ipalabas pero yung ibang eksena na ok naman ipalabas nadadamay sa pag-eedit nila. Kasama pa ang paggipit nyo sa oras ng anime kung 30 minutes ang inilaan nyong oras sa anime dapat 30 minutes hindi yung 20-25 minutes ang isang 30-minute na anime at ang 1 hour na anime sa sabado tulad ng Fruits Basket ay ginagawang 40-50 minutes. Kaya tuloy hindi nyo masingit ang mga ads nyo kasi masyadong compressed ang oras na inilalaan nyo. Please lang huwag naman kayo ganon ka-conservative. Medyo luwagan nyo ang pananaw nyo tungkol sa anime. Hindi ganon kamangmang ang mga manonood ngayon. Magaganda pa naman ang mga anime na ipinapalabas nyo. Sana lang ay maayos ito sa lalong madaling panahon. Mabuti pa ang sister network nyong Studio 23 di ganon kahigpit tungkol sa anime na ipinapalabas nila.
Yun lang muna sa ngayon. Hanggang sa muli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Wow Amerika. I guess darating ang point na ikaw naman ang magpapasya kung susunod ka sa kanila.
Bueno... Well, I agree about what you said about Furuba. I understand dati kung bakit kinacut ng ABS-CBN ang ibang anime, pero yung Furuba, mukhang no valid reason.
Mas mabuti pa nga sigurong ilipat nila ang mga anime nila sa Studio 23, at least pati opening and ending theme complete.
TAMA KAYO!
Walang sapat na dahilan para putulin ang ilang eksena sa FB...
Sayang ang kagandahan ng mga animes nila....
Gawan na nila ito ng paraan! Lalo lang bumaba ang ratings nila! Mas pinipili ng tao ang Full Metal Panic sa Gundam Seed!
Happy Anime New Year sa inyong lahat!
Post a Comment