Sunday, December 19, 2004

Isang kakaibang Pasko at isang panawagan sa ABS-CBN editors!

Marahil nagtataka kayo kung bakit ganito ang pamagat ng aking blog ngayong Disyembre. Kay ko nasabi ito dahil ito ang unang Pasko na wala sa piling ko ang aking mom at ang dalawa kong kapatid. Wala na kasi sila rito sa Pilipinas. Na-migrate na sila sa Amerika particularly sa Chicago dahil sa petition ng lolo ko sa aking mom. Tapos umalis na rin ang Tito at Tita ko noong martes papuntang Amerika. Tanging ako at ang lolo at lola ko na lang ang natira dito sa Olongapo. Kaya talagang malungkot ang Pasko namin ngayon. Di na tulad ng dati. Pero masaya rin naman kahit papaano dahil baka doon ay makamit nila ang swerte at tagumpay sa Amerika na di nila naranasan dito. Pinagdarasal ko na lang ang kalusugan at kaligtasan nila doon.

Anyway, mula sa lungkot ay mapunta tayo sa inis(biglang ganito). Hindi ko sinisisi ang dubbing staff ng ABS-CBN dahil sa mga putol sa anime na dinudub nila kasi nga taga-dub lang naman sila. Ang inis na inis ako ay sa mga editors ng istasyon na hindi ko alam kung matatanda na sila kaya medyo conservative sila o talagang wala lang silang alam sa pag-eedit ng mga eksena. Ok lang naman sa akin kung tanggalin nila ang mga eksena na di puwedeng ipalabas pero yung ibang eksena na ok naman ipalabas nadadamay sa pag-eedit nila. Kasama pa ang paggipit nyo sa oras ng anime kung 30 minutes ang inilaan nyong oras sa anime dapat 30 minutes hindi yung 20-25 minutes ang isang 30-minute na anime at ang 1 hour na anime sa sabado tulad ng Fruits Basket ay ginagawang 40-50 minutes. Kaya tuloy hindi nyo masingit ang mga ads nyo kasi masyadong compressed ang oras na inilalaan nyo. Please lang huwag naman kayo ganon ka-conservative. Medyo luwagan nyo ang pananaw nyo tungkol sa anime. Hindi ganon kamangmang ang mga manonood ngayon. Magaganda pa naman ang mga anime na ipinapalabas nyo. Sana lang ay maayos ito sa lalong madaling panahon. Mabuti pa ang sister network nyong Studio 23 di ganon kahigpit tungkol sa anime na ipinapalabas nila.

Yun lang muna sa ngayon. Hanggang sa muli.


Tuesday, November 16, 2004

Balitang TV

sa totoo lang, wala pa akong mailagay na matino-tinong topic ngayon kaya ilalagay ko na muna ng mga latest na balita na mangyayari sa TV ngayong linggo.

Nagbalik ulit kahapon ang Game Ka Na Ba sa ABS-CBN at ngayon ay mas pinaganda na ang format ng game(di tulad noong format nila noon sa Next LeveL Na, GKNB? kaya biglang naglaho). Palabas ito tuwing lunes-biyernes @ 12:00 nn.

Bukas, Nov. 17 ay ang bagong season ng Amazing Race kaya papanoorin ko ito. Ang pinakapaborito kong reality TV series. Mapapanood ito tuwing Miyerkules sa Studio 23 bukas ng 9:00 am at 8:20 pm at sa AXN naman tuwing miyerkules din sa ganap na 8:00 pm. Para sa mga replay, check the AXN schedules on their website at www.axn-asia.com.

Sa biyernes(11-19-02) ay gaganapin sa Clark Centennial Expo ang Silver Special Presentation ng Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga. EB fan kasi ako. Hindi talaga matatawaran ang saya na ibinibigay ng programa na ito sa sambayanang Pilipino kaya nagtagal ng 25 years. Ang balita ko ay more than 1,000 ang magpeperform sa event na ito. Ipapalabas ito na two-part sa GMA sa Nov. 27, 2004 @ 12 nn, sa linggo ng gabi naman ipapalabas ang part 2.

Tungkol naman sa anime, kakatapos lang kahapon ng Ragnarok The Animation sa ABS-CBN. Ang masasabi ko lang ay maganda ang RTA para sa akin pero di ko ito ang isa sa pinaka-fave ko. Noong linggo naman, nagsimula na ang anime na Cyborg 009. May pagka-astroboy at 70's anime ang feel niya. Pinalabas rin kahapon ang Masked Rider Ryuki sa ABS-CBN. Kung ako ang tatanungin, ok lang siya pero di ko pa rin maialis na maikumpara ko siya sa Masked Rider Black na para sa akin ay napakaganda, sayang nga lang at di yata natapos ng IBC ang MRB. Sa GMA, naman, nagsimula na noong nakaraang linggo ang bagong anime ng GMA na Witch Hunter Robin. Ok naman siya pero di ko na rin siya nasundan dahil mas gusto ko ang Getbackers at medyo di ko nagustuhan ang mga dubbers ng WHR. One Piece naman ok rin kaya lang medyo nababagalan ako sa pacing ng istorya nito kaya medyo natatamad akong panoorin except ngayon kasi maaksyon na. GOMA! GOMA! Kung ikukumpara ko ang pacing ng One Piece at Naruto, mas gusto ko ang pacing ng Naruto kaysa One Piece. Isa pa, mas fascinated na talaga ako sa mundo ng mga ninja noon pa man kaysa sa mundo ng mga pirata. Yun ay opinyon ko lang.

tatapusin ko ang blog na ito sa isang malungkot na balita. kasi noong nakaraang buwan, sinabi ng aming local cable provider tungkol sa posibleng pagkakaroon ng Animax sa channel assignment kung hindi marerenew ang kontrata ng aming Cable provider sa Cartoon Network. Pero ngayon malabo na kasi nawala na ang marquee announcement sa Cartoon Network. mukhang narenew na ang kontrata. hay, malas talaga. mangangarap na lang ulit ako na magkaroon ng animax dito sa Gapo. Bye!

SOCIAL BLOG:

Yui - Ganon ba. Ang Tough Hits album ay wala namang double meaning di tulad nung ibang novelty songs.


Thursday, November 04, 2004

CD review: Tito, Vic, and Joey's Tough Hits Compilation

Medyo lalayo muna tayo sa anime sa first blog entry ko ngayong November. Sorry kung walang akong blog entry noong October kasi tinamad ako. Kung nagtataka kayo sa title ng entry ko ngayon. Well, bukod sa anime, mahilig ako sa mga novelty songs tulad ng Spaghetti, Otso-otso, atbp. Siguro para sa inyo ay baduy ito o walang kuwenta, pero sa akin ok lang kasi dahil sa ganitong mga kanta napapangiti ako at nawawala ang mga alalahanin ko sa buhay.

Ang CD na ito ay ini-release ng Vicor Records nitong nakaraang Oktubre. 6 volumes ang CD compilation na ito at P150 pesos ang isang cd. Ang titles ng mga albums ay Tough Hits, Tough Hits Vol. 2, Tito, VIc and Joey Vol. 3, Sgt. Pepe Vol. 4, Tough Hits Vol. 5, at Seriously/Back to Normal Vol. 6. Digitally-remastered ito kasi noong late 70s pa nirecord ng TVJ ang album compilation na ito. Kung di nyo pa alam kung ano ang Tough Hits, mga kanta ito na ang tono ay galing sa mga sikat na kanta at ginawang katatawanan ang mga lyrics. Mga ginamit na tono ng kanta ay mula sa mga hits ng 60s at 70s. Mula kay Elvis, Beatles, Voltes V, at mga local OPM hits noon ay ginawan ng TVJ ng katatawanan. Kung trip nyo ang mga patawa nina Tito, Vic at Joey at may backgruond kayo ng mga hits noong 60s at 70s, siguradong magugustuhan nyo ang album compilation na ito.

Salamat kina Yui, The Magtibay Anime Eyewatchers, at syao-chan sa mga comments sa huling blog entry ko. TY! See ya later!

Thursday, September 30, 2004

Ragnarok The Animation Filipino Theme Music Video: maganda o panget?

Napanood nyo ba ang music video ng Filipino Theme ng Ragnarok The Animation na ang pamagat ay "We Are The Stars" na ang kumanta ay ang Star Circle Quest Fab 5? Kung napanood nyo, siguro marami sa inyo(lalo na ang ibang anime otakus) ang nadismaya, napangitan, at isinumpa ang SCQ Fab 5 at ABS-CBN dahil sa "pambababoy" nila sa kanta at paggawa pa ng Filipino Theme song ng Ragnarok. Para sa akin naman, ok lang siya pero di ko sinasabi na maganda at di ko rin sinasabing panget. average lang siya para sa akin. Kung iba ang kumanta nito ay baka magbago ang mga pananaw nyo. Kaya lang naman SCQ ang kumanta ay dahil sila ang nagrerepresent sa kabataan. Pero siguro yung iba, iniisip na may iba pang dahilan kung bakit SCQ ang ginamit sa pag-plug ng Ragnarok. Sorry na lang pero ayokong mag-isip ng negatibo sa isang kompanya o artista, hindi ko ugaling mag-isip ng masama sa aking kapwa. Pero nariyan na yan. tanggapin nyo na lang.

Matagal na ring panahon mula nang huling gumawa ng Filipino theme song ng isang anime ang ABS-CBN. Naalala nyo pa ba ang Filipino theme ng Magic Knght Rayearth? Para sa akin ok lang ang Filipino themes na iyan basta ok at maayos ang pagkakakanta. Ang tanging mahalaga naman ay ang nilalaman ng kanta at di yung kung sino ang kumanta. Pananaw ko lang po ito.

Friday, September 24, 2004

DUBS VS SUBS: Which will win?

Before anything else, Let me makes this clear. I am a anime fan that loves both dubbed and subbed animes. But I prefer to appreciate more the dub version(especially the Filipino-dub than the english dubs) before appreciating the sub version even more. The reason for this is that some people tend to nitpicking the flaws of the dub version because they had seen the anime in its original format which I don't agree with. Flaws like changing of names, edited scenes, horrible voice acting of dubbers, etc. are subjects of debate between dub and sub enthusiasts. But the truth is, like Phil of The Amazing Race says, "each has its own pros and cons."

Dub Version Pros:
1. People can enjoy watching anime without reading the subtitles.
2. People can understand the anime because it is in their native tongue.
3. People will learn new words that they don't know exist in their native tongue(which is now fading because of technicality of some words).

Dub Version Cons:
1. They change some names in order to synch to the mouth movement of the characters.
2. Alteration of the story to fit to the culture and traditons of the viewing public.
3. Editing of vulgar, violent, and nude scenes to comply to the conservative groups.
4. Adlib some dialougues that result in the alteration of the original script.
5. Some dubbers have not-so-good voices.

Sub Version Pros:
1. Retains the original voices of the voice actors because of the subtitles.
2. Retains the original story.
3. You get to learn the Japanese language, culture, and traditions.
4. No edits if you got it from downloading on the net.
5. No need of dubbers.

Sub Version Cons:
1. Some subs have wrong grammar and inaacurate translations.
2. Your so busy reading the subtitles depriving you the chance to fully enjoy watching anime.
3. Sometimes the subtitles appear in a blink of an eye that you cannot catch-up on what they are saying.

Though the advantages of the sub reign over the dub, the bottomline is that the audience has the choice whether to go for the dubs or the subs as long as he/she is happy with it. That's good enough for me.

That's my opinion worth more than 2 centavos! ^_^


Shout-Outs:
Thanks to MangoMoon and Yui for the comments. Thanks to Anime Kabayan for the compliment.



Monday, September 20, 2004

At last, I have my own blog!

Starting today, Zen's got a blog on the net. I'm not exactly good at voicing my opinions but I try my best as I can. Most of the topics you will read in here are anime-related or my personal experiences in my daily life. Though my opinions are different from yours, please respect my viewpoint on the topics I will be posting here. Thanks for reading. ^_^

On my first topic for my new blog, I will express my opinion about the "HYPE" of Ragnarok The Animation that ABS-CBN is promoting to air next month. I put an emphasis on the word hype because some anime fans think that ABS-CBN is only doing this just to make money out of it even though the anime itself is not as great as the hype that ABS-CBN is building in the eyes of some anime fans that already have watched it through downloading it on the net. They also say that ABS-CBN and Level-Up Games did this because the Ragnarok game itself is slowly losing its popularity due to new online games that have been appearing recently. I will not deny that ABS-CBN is making money out of it or Level-Up Games did it to revive the popularity of the game but making money means evil itself. I think not. Why is it that people always think of the negative things rather the positive things. If ABS-CBN is really want to make money out of it, ABS-CBN should not have bought the rights to air Ragnarok the Animation in the first place if they know the anime is not that popular among anime fans and instead acquired a more popular anime. Besides, I don't really understand some anime fans if they wanted anime hyped or not. Minsan kapag nagadvertise ang isang istasyon ng anime, naiinis sila dahil masyadong ginagawan ng hype. Kapag naman hindi inadvertise, inis rin sila dahil di pinopromote. Ang gulo rin nila. Para sa akin, ok lang sa akin ang hype na sinasabi ng iba kung alam mo namang tumatalab. Tignan nyo na lang ang Meteor Garden. Dahil sa hype, naging popular ito sa masang Pilipino. Dahil rin sa hype, naging popular ang anime dito sa Pilipinas sa ginawang hype ng GMA sa matinding promotion nila ng kanilang mga anime. Parang di ginagawa ng GMA ang mag-hype ng palabas para maging sikat ang kanilang istasyon at kumita. Ginamit rin naman nila ang anime kaya parehas lang sila. Ito ay aking opinyon lamang. Huwag sana kayong magalit.