Ratings!
Isang salita na bukambibig ng mga die-hard Kapamilya o Kapuso fans sa mga forums ngayon. Isang salita na sinasabing "bibliya" ng mga TV Stations para mabuhay sa industriyang kinapapalooban nila. Isang salitang kontrobersyal ngayon dahil sa umano'y pandaraya ng isang TV Network para manguna sa ka-kumpetensyang TV Network.
Sa totoo lang, mula nang mauso itong salitang ito ay hindi na natigil ang iringan sa pagitan ng mga Kapamilya at Kapuso fans para maibida ang kanilang paboritong istasyon na kesyo sila ang numero unong pinapanood ng sambayanan. Mula ng nagsimula ito, puro numero na lang ang ginagawang basehan sa kung ano ang magandang panoorin. Wala na ba tayong sariling pananaw sa kung ano ang magandang panoorin at kung ano ang hindi. Maraming programa sa TV na mataas ang rating pero di naman maganda ang kalidad ng palabas at may mga programa na ang baba ng ratings pero maganda naman ang kalidad ng palabas. Nanghihinayang tuloy ako sa mga palabas na ito naipapawalang bahala dahil lang sa mababa ito sa ratings.
Sa totoo lang, dapat hindi na inilalabas ang ratings na ito sa madla at advertisers na lang ang makialam rito para hindi na maging basehan ang numero bilang batayan sa pagpili ng magandang palabas sa telebisyon at para matigil o kung hindi man ay mabawasan ang iringan ng mga maka-kapamilya o maka-kapuso.
Sa totoo lang, gusto kong balikan ang nakaraan kung saan walang alam ang mga manonood sa ratings na iyan. Nakakamiss ang mga panahong ito. Hay...
Wednesday, January 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Hi jamibu!
About this Post,I like your Opinions about TV Ratings....
Okey lang sana Kung di ito Makita ng Publoko...pero wag naman sa Advertisers...kasi Batayan nila ang ratings Sa kung Kaninong istasyon sila mas Nararapat Mag-Post ng kanilang mga Ads.
Anyways,Nanghihinayang ako sa mga pahayag ng ABS_CBN....[Hindi dahil sa kapuso ako ha?].
Kasi naman they have said na hindi na sila maniniwala sa ratings kahit kailan pero eto,Patuloy ang press release nila na No.1 sila sa NUTAM....Teka...Di ba ratings yun? Lolz!
Ayoko ng ganun...reverse psychology....Yung sinasabi ng bawat Isang istasyon...kabaligtaran ng Ginagawa nila....
Anyways...I Love your Blog...And....Fan ka rin pala ng Eyeshield 21? Kabaro!!!! :D
Na-misinterpret mo ang post ko. ^_^
Dapat pala nilagyan ko ng division ang statement ko na "Sa totoo lang, dapat hindi na inilalabas ang ratings na ito sa madla. At advertisers na lang ang makialam rito para hindi na maging basehan ang numero bilang batayan sa pagpili ng magandang palabas sa telebisyon at para matigil o kung hindi man ay mabawasan ang iringan ng mga maka-kapamilya o maka-kapuso." Ito ang ibig kong sabihin sa post ko. Pasensya na.
Salamat sa pag-react sa blog entry ko. Yup, isa sa mga paborito kong anime ngayon ang Eyeshield 21. ES21 fan ka rin pala! ^_^
Kahit na magkaiba tayo ng preferred station, may respeto naman ako sa kung ano ang opinyon ng ibang tao. Bahala na lang sa mambabasa kung sang-ayon sila o hindi sa opinyon ko.
Kahit na magkaiba tayo ng preferred station, may respeto naman ako sa kung ano ang opinyon ng ibang tao. Bahala na lang sa mambabasa kung sang-ayon sila o hindi sa opinyon ko.
____________________
Opkors Asahan mo ganyan rin ako ^_^
Post a Comment