Matagal na rin ng huli akong maglagay ng bagong entry rito sa blog ko. Pasensya na sana. Maglalabas lang sana ako ng sama ng loob rito sa blog entry na ito. Bato-bato sa langit, ang tamaan, huwag magagalit.
May nabasa akong post mula sa isang forumer sa isang sikat na anime forums na parang pinariringgan ang ABS-CBN na kumukuha ng anime mula sa ibang istasyon. Sana'y malaman nya na hindi niya alam ang sinasabi niya. Kung meron man siyang nakikita na mga anime sa Hero TV na minsang naipalabas sa GMA/QTV, huwag naman sana niyang akusahan na kinukuha ito ng ABS-CBN/Studio 23/Hero mula sa kanila. Business lang po iyon. Partner ng Hero TV ang Telesuccess, isang local anime distributor na madalas pagkunan ng GMA ng mga programa nila lalo na ang anime. Ipinapalabas lang ng Hero TV ito para sa mga anime fans diyan na hindi matiyempuhan na mapanood ang mga anime na ito noong ipinapalabas pa ito noon sa GMA/QTV. Isa pa, para naman maipapalabas ng ABS-CBN yang mga anime na galing sa Telesuccess sa kanilang isatasyon. Hindi pwede yun dahil for cable TV rights ang ginamit ng Hero para maipalabas ang mga anime na iyan.
Para naman hindi gawain ng ipinagmamalaki niyang istasyon na GMA na nagpapalabas rin ng mga anime na dati ay ipinalabas na sa ABS-CBN. May right to air ang isang anime na binibili ng mga TV networks. Para lang yang subasta, kung sino ang may mataas na offer ay siya ang makakakuha ng right para i-ere ang nasabing palabas. Unahan lang yan, pare ko. Wag ka sanang magdaramdam kung nakuha nila. Better luck next time, ika nga. Isa pa, nag-eexpire rin naman ang right to air ng isang programa kaya minsan ay nakukuha na iyon ng ibang istasyon na dati ay gusto ito pero naunahan sila. Bago siya magpasaring ng kung ano-ano sa iba, tignan muna sana niya ang sariling bakuran niya at baka yung ipinaparatang niya sa iba ay ginagawa rin pala ng pinapaboran niya.
Ayoko ng taong akala mo naiinitindihan na niya ang lahat ng bagay sa mundo pero ang totoo, kulang pa ang nalalaman niya.
Isa pang sama ng loob ko, ang nakakabanas na schedule ng Weekday Hero Zone ng ABS-CBN. Nang dahil sa pagbabalik ng pesteng Pangako Sa'yo, lalong lumiit ang time schedule ng Yakitate! Japan at Yu-Gi-Oh! GX na current anime line-up ng ABS-CBN sa hapon. From 25 minutes(with ads) ay naging 20 minutes(with ads) na ito. Ang masama pa kapag naatrasado ang afternoon programming ng ABS-CBN ay lalo na-cha-chop-chop ang time ng anime sa hapon. Pakiusap naman sana kung di nila kayang habaan ang anime time schedule ng ABS-CBN, kung maaari sanang tanggalin na lang nila ang Yakitate! Ja-Pan since ulit naman na siya at ibigay naman sana ang buong 30 minutes na time sa Yu-Gi-Oh! GX. Lalo tuloy akong nananalangin na sa lalong madaling panahon ay magkaroon na rin sana ng Hero TV dito sa Olongapo para di na ako masyadong umasa sa ABS-CBN.