Friday, August 05, 2005
Ang pagbabalik-tanaw sa aking paboritong anime, ZENKI!!!!!!!!(UPDATED)
Isa sa mga dahilan kung bakit ko nagustuhan ang ABS-CBN pagdating sa anime ay dahil sa ipinalabas nila ang PINAKAGUSTO kong anime, ang anime na ZENKI. Kung hindi nyo alam ang anime na ito, bibigyan ko kayo ng pambungad na pagpapakilala rito. Base ito sa napanood ko sa ABS-CBN. Ipinalabas ang Zenki noong araw ng lunes, Marso 10, 1997 sa ABS-CBN tuwing lunes-biyernes @ 3:30 pm o pagkatapos ng Star Music Video. Tungkol ito sa isang alagad na nagngangalang Zenki, ang dakilang alagad ng isang manggagaway na nagngangalang Oznai. Si Oznai ay isang makapagyarihang manggagaway na tagapangalaga ng kapayapan at katiwasayan sa buong bayan mula sa mga halimaw na likha ng mga nagkalat na binhi ng kadiliman. Sa tulong ni Zenki, nagawa nilang puksain ang mg halimaw. Pagkatapos noon ay ikunulong at pinatulog ng Dakilang Oznai ang alagad na si Zenki sa isang monumentong bato ng templo.
Lumipas ang ilang siglo at dumating ang makabagong panahon, ang kasalukuyan, ang namamahala na sa Templo ng Dakilang Oznai ay isang matandang babae na nagngangalang Saki at ang kanyang apo na mula sa lahi ng Dakilang Oznai na si Cheri Nai(Chiaki sa Japanese), isang nag-aaral na maging magaling na manggagaway at nag-aaral ng high school sa Bayan ng Gardan. Isang araw, may dumating na dalawang manlalakbay sa Templo ng Dakilang Oznai upang kunin ang nakatago roon na binhi ng kadiliman(parang kamukha siya ng isang walnut na kapag nagising ay bumubukas ang mata nito) bilang kautusan sa kanila ng reyna ng kadiliman na si Karma. Nagtagumpay sila at naging isang halimaw sa tulong ng binhi. Nalaman ito nina Cheri at Lola Saki. Pero inatake sila ng halimaw. Pati mga kaibigan ni Cheri na naroon ay nadamay sa kaguluhan at n aging kampon ng kadiliman. Noong nasukol sina Cheri ng halimaw, napasigaw para humingi ng tulong. Nang biglang may nakasisilaw na liwanag na lumitaw at pagkatapos noon ay nakita na lang ni Cheri na may suot na siyang gintong pulseras na may pulang bato sa gitna sa may kanang pulso niya. Sinabi ni Lola Saki na ang pulseras na yan ang pulseras upang tawagin ang dakilang alagad na si Zenki. Sinabi rin niya na gumawa si Cheri ng hugis tala sa pamamagian ng kamay niya at sambitin ang dasal para tawagin ang dakilang alagad. Pagkatapos gawin iyon ni Cheri, biglang sumabog ang isa sa monumentong bato sa templo. Nang humupa ang usok, nagulat sina Cheri na isang maliit na bata ang lumabas. Pinagtawanan sila ng halimaw. Sinubukang lumaban ng bata pero pinatalsik lamang ito ng halimaw. Habang nangyayari ito, biglang nalaman ni Cheri ang dasal kung paano pakakawalan ang tunay na kaanyuan ni Zenki dahil kinausap siya ng Dakilang Oznai sa isip. At binigkas na niya ang dasal, at mula rito isang malakas at mabangis na nilalang ang lumitaw, ang dakilang Zenki. Sa pagkakataong ito, walang nagawa ang halimaw sa lakas ng dakilang alagad at tinapos na ni Zenki ang halimaw. Kumawala ang binhi ng kadiliman at kinain ito ni Zenki. Pagkatapos noon ay tinangkang tapusin ni Zenki si Cheri para makalaya na siya pero dahil sa pulseras ay bumalik ulit ito sa pagiging isang maliit na bata. At yun ng simula ng mga pakikipagsapalaran nina Cheri at Zenki para iligtas ang mundo laban sa mga halimaw na dala ng binhi ng kadiliman at sa mga kasamaan ni Karma at ng kanyang mga alagad na sina Glen, Gaula, at Anji. Kasama rin nila sa mga pakkikipaglaban ay sina Lola Saki, Apo Jukai, Kuribayashi, at Sohma Miki. Naglumaon ang serye, nadagdagan sila ng mga kakampi, tulad ni Kazue, Propesor Kuwauri at ang batang si Sho(Akira sa Japanese) Goto, ang nagmana ng dugo ng dakilang Gouki, ang alagad ng liwanag, na kasamahan ni Zenki na piniling mamuhay sa piling ng mga tao. Kung nagdagdagan sila ng kakampi, nagkaroon rin sila ng ibang kalaban tulad ni Inugami at Kagetora. Mahaba ba ang pambungad ko. :D
Naitanong nyo ba kung bakit bigla ko itong pinag-usapan. Kasi muling magbabalik ang anime na Zenki sa Philippine TV sa pamamagitan ng bagong cable channel na Hero. According sa Hero TV Blog, magsisimula ang airing nito sa August 6, 2005, tuwing sabado. Pero hindi pa ito official airing dahil under test broadcast pa rin hanggang ngayon ang Hero TV at magtatagal hanggang August 27. Pero kahit ganun, at least, maipapalabas na rin muli ang Zenki. Ang tanging hiling ko lang ay sana ay maisipan na ng cable provider namin na mag-avail na ng Hero. *wishfull thinking* :)
PLUG: Bago na ang name at url ng aking forums, Tatawagin na itong Zen Pinoy Otaku Headquarters(formerly known as Zen Anime Talk(ZAT). Heto na ang bagong url niya @ Zen Pinoy Otaku HQ, Your Intelligent Alternative Anime Messageboard. Itong mesasageboard na ito ay isang partnership ng Zen119's Anime Scrapbook at Magtibay Anime Worldwide(Web) Philippines. Sana makasama namin kayo sa mga kuro-kuro tungkol sa Anime.
Bagon na rin ang ABS-CBN Forums: ABS-CBN FORUMS:)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
Uuuuy,nagsesenti. ;p
Yeah,,,ganda ng pagkakalahad mo ng story ni Zenki. Yeah, that time, usong-uso iyang si Zenki. Lalo na kapag sinasabi niyang "Palakol ni Diva." Isa pa, usong uso din noon ang mga ANIME TEKS noon, isa ako sa mga nagkolek noon, kaya lang, halos nangawala na. Isa pa, super ganda noon ang mga dubbing ng mga Anime noon kaysa noon, kasi tunay na mahuhusay at de-kalidad ang mga Anime Dubbers noon. At natutuwa ako sa muling pagbabalik ni Zenki....dahil katunayan iyan na maaari ding ibalik ang mga mahuhusay na Animes noong dekada 90. Ibig sabihin lang na pinapahalagahan pa din natin ang mga naipalabas ng anime. Hindi ako magtataka kung muli nilang ilabas ang mga magagandang Animes na sumunod sa kanya, tulad ng BT'X at Akazukin Cha Cha, na talagang nagpabago sa anyo ng hapon ng mga taong mahilig sa Anime. Sana, maibalik pa din yung time na halos tatlong anime na magkakasunod-sunod na naipalabas ng ABS CBN 2. Pero dahil nga sa malawakang competition, unti unti nang naging isa...minsan pa ay nagiging every week na. As far as I know kasi...ang ABS CBN ang nagsimula ng trends na gawing monday to friday ang kanilang mga Anime. Ang kahirapan lang noon, kapag me na miss ka sa mga isa sa mga episodes...for me, ayos lang ang every week basta ayos ang dubbing, sunod sunod ang story episodes, with opening and ending theme song, quality of voices, at hindi nalalayo sa tunay na istorya ang pagkakatranslate. Again, thanks sa magandang information ni Zenki in tagalog. Nice!!!
W00T! Sa wakas hahahaha!
soulassassin547
Di ba redubbed ang Zenki sa HERO TV? I wonder kung sino magdadub kay chibi Zenki ngayong wala na si Miles Sanchez.
I've never heard of this anime before.
See the show, and you will love it. INSTANT WIN!
ang alam ko march 2006 pinalabas uli yung zenki sa abs cbn.tuwing hapon uli at monday to friday din. kaya lng ni redubbed kc iba yung boses ni cheri at zenki. dba ang orig na boses ni cheri ay si aya blanco at si zenki n ngppalit anyo ay si arnold abad? naaalala ko n sila ang original nilang mga boses nung 1997 airing nun sa abs cbn.
naiba rin yung pgbigkas ni zenki ng dialogue niya nung ni redubbed nung 2006. dba sa orig dialogue: "ako si zenki,ang dakilang alagad!"e biglang naging "ako si zenki,ang espiritung tgapagtanggol!". sabi ko ba't ganon? ni redubbed nga nag-iba nman yung dialogue. binhi ng kadiliman naging binhi ni karuma.anu b yan?
ANO UNG DASAL NI CHERRY NAI.. HAHAH DI KO NA KASI TANDA EH..
TANGGALIN ANG SUMPA KAY ZENKI...................
INFORM NYO PO AKO HA..
cris edwige po ako sa fb.
"Tanggalin ang sumpa kay Zenki, tatanggalin ka ng Lihim na Spada, Sumpa!!! Dakilaaaannnggg Badjulaaaaaaa, palayain mo ang alagad na si Zenki!!! **chen chen chen chenneeeeeeen** DAKILAAAANGGG BADJULLAAAAAA... PALAYAIN MO ANG ALAGAD NA SI ZENKIII!!!!"
hehehe..
"Tanggalin ang sumpa kay Zenki, tatanggalin ka ng Lihim na Spada, Sumpa!!! Dakilaaaannnggg Badjulaaaaaaa, palayain mo ang alagad na si Zenki!!! **chen chen chen chenneeeeeeen** DAKILAAAANGGG BADJULLAAAAAA... PALAYAIN MO ANG ALAGAD NA SI ZENKIII!!!!"
"Tanggalin ang sumpa kay Zenki, tatanggalin ka ng Lihim na Spada, Sumpa!!! Dakilaaaannnggg Badjulaaaaaaa, palayain mo ang alagad na si Zenki!!! **chen chen chen chenneeeeeeen** DAKILAAAANGGG BADJULLAAAAAA... PALAYAIN MO ANG ALAGAD NA SI ZENKIII!!!!"
Post a Comment