Kamakailan, may kumalat na balitang isang bagong channel ang i-lalaunch ng ABS-CBN(actually, isang subsidiary ng ABS-CBN ang mamamahala, ang Creative Programs, Inc.) sa pakikipagtulungan ng Telesuccess Productions, Inc., na mag-fefeature ng mga Filipino-dubbed animes, world-class animations, at Japanese live-action series. At ngayon, na-kumpirma na ang bagong channel na tinawag na HERO TV. Official launch ng Hero TV ay magaganap sa darating na buwan ng Agosto. Marami na ang nag-aabang sa channel na ito(isa na po ang inyong lingkod). Matagal ko na rin na gusto kong may makaisip na gumawa ng isang Filipino-dubbed anime channel na maglalabas ng mga dating animes na lumabas sa mga local channels natin noon na kinagiliwan ng mga Pilipinong manonood at mga bagong anime na tiyak na kakagigiliwan rin. Kumalat na rin ang balitang ito sa mga forums sa net. Iba-iba ang mga naging reaksyon ng mga ito, may mga gusto at natuwa dahil mapapanood na ulit nila ang mga kinagiliwang anime noon pero meron ring mga tutol at nagtaas ng kilay dahil panget ang naka-line-up na anime nila at panget ang anime dahil dubbed sa Pilipino ang mga anime at hindi naman daw puro anime ang nakalagay, at kung anu-ano pang kadahilanan. Para sa akin naman, hindi na importante sa akin kung may ayaw na mga anime fans dito sa Hero, kanya-kanya tayo ng panlasa paagdating sa anime, at ako gusto ko ang anime na dubbed sa Filipino at may variety ang mapapanood mo, di lang anime. Kaya buo ang suporta ko para sa Hero TV. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Hero TV, magsadya lang kayo sa kanilang blog(ang kanilang official site ay kasalukuyan pang ginagawa kaya itong blog na muna ang bisitahin nyo para sa inyong mga kumento at mga panukala): HERO TV BLOG at para sa karagdagang topic ukol rito, puntahan nyo rin ang blog ng aking kaibigang si Anime Kabayan. Sana ay magtagumpay ang HERO TV dito sa Pilipinas, para ito sa mga Pinoy Anime Fans. Mabuhay kayo.
P.S. Salamat sa mga comments nyo, Anime Kabayan, julian, Nelson, witch_slayer_rodel, Misaki, Irish, at nagi sa huling entry ko sa blog. Thanks rin kay tetsugaku-sha at Anime Kabayan para sa suggestion ng bagong topic na ito. Pasensya na kayo kung ngayon lang ulit ako gumawa ng bagong blog entry. Wala kasing maisip na bago. Buti at dumating ang news tungkol sa Hero TV. :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Para sa akin, maganda ang naisip na ito. At least, makikita na muli natin ang mga dating anime na ipinalabas noon. Isa pa, malaking kontribusyon ito sa PILIPINAS, dahil para sa akin, malaking tagumpay ito sa bagong milenyo na meron tayong kauna-unahang anime channel na tagalog dubbed. Isa itong kasaysayan. Saka, para sa madaming nananabik na makita ang mga anime characters favorite nila na nagsasalita sa sarili nating wika. Lalo nating mapagyayaman ang wikang Pilipino. GO HERO TV!
This HERO TV will be successful sa lahat ng channels na ginawa ng CPI...
Mabuhay ang HERO TV!
Mabuhay ang ANIME!
Mabuhay ang PILIPINAS!
Big leap for the scene! WOOHOO!
-- soulassassin547
hello. I loved your blogspot. I just wish that we Filipinos, especially our artists can also make more such cartoons. Sana hindi lang tayo pang dubbing. I think mas gaganda entertainment industry natin. Wait, do you know Richie Padilla? Do u have a picture of his? I've watched animes where in he's one of the dubbers and his voice has been familiar to me. I just wanna know what he looks like. PLease?? Meron ka bang pic nia? Curious lang talaga ko... Kung meron pls. e-mail it to me. sehleiejnah_010988@yahoo.com
Napadaan lang!
Post a Comment