Noong 80's, isa sa mga pinakapaborito kong animation(hindi pa masyadong sikat ang word na anime noon) sa TV ay ang The Transformers. Una, dahil fascinated ako sa mga robots. Pangalawa, gusto ko ang kanilang transformation mula sa robot form magiging sasakyan sila o gamit at vice-versa, at panghuli, may continuity ang istorya. Ang istorya ay umiikot sa labanan ng mga robots mula sa planetang Cybertron na nadala ang labanan sa planetang Earth. Ang labanan ay sa pagitan ng mga Autobots(ang mga bida sa istorya) at ang Decepticons(ang mga kontrabida). Ang pinuno ng mga Autobots ay si Optimus Prime at sa Decepticons naman ay si Megatron. At dahil sa kasikatan ng seryeng ito at nagkaroon ito ng pelikula kung saan ipinakita roon ang pagkamatay ni Optimus Prime dahil sa natamong sugat sa huling labanan nila ni Megatron(pero nakailang reincarnations rin si Optimus pagkatapos noon), ang pagbabagong-anyo ni Megatron at naging si Galvatron, ang pag-atake ni Unicron(isang higanteng robot na puwedeng maging planeta) at ang pagtalaga sa magiging bagong pinuno ng mga Autobots. Nasundan pa ito ng ibang serye ng Transformers na iba sa original na konsepto. Medyo nababoy ito nung sinubukan ng ABC 5 na i-dub ito sa Filipino noong 2000(nasanay na kasi sa English language na ginamit sa Transformers noong 80's hindi pa uso ang Filipino dub). Nagustuhan ko ang pagkakadub ng ABS-CBN sa Beast Wars Transformers at Beast Machines Transformers noon(medyo di ko gusto ay ang pagka-3D nito). At ngayon, muling nagbabalik ang Transformers dahil sa bagong serye na tinawag na Transformers: Armada na ipapalabas sa GMA ngayong March 12, 2005, tuwing sabado at linggo @ 7:30 am(kahit kapamilya ako manonood ako nito dahil Transformers fan ako kahit saan pang channel ipalabas ito). Well, then. AUTOBOTS...TRANSFORM....AND ROLL OUT!
"THE TRANSFORMERS...More than meets the eye! Autobots wage their battle to destroy the evil forces of the Decepticons."
Social Blog:
TAR - salamat sa pagpost mo sa topic kong Ang buhay ng isang kolektor. Oo nga, hindi din magmaintain ng VHS tapes. di ko naman mapanood na yung iba na medyo matagal na dahil masisira naman yung VCR na ginagamit ko. Pansin ko rin na minsan irregular na ang distribution ng FK dito sa Gapo. Hindi na ako nagtataka kung di mo nagustuhan ang ending ng A.X noon. May limitasyon kasi dahil nga isa siyang pambatang komiks. Pero sa akin ok lang. Style ni DBR: Ok sa akin. Hindi naman maruming tignan. opinyon ko lang naman.
witch_hunter_rodel - ako di ko na naabutan yan. Ang naabutan ko lang ay ang Tomas en Kulas, Niknok, Eklok, Little Ninja, Twinkee at Exhor, yung dalawang anghel(kalimutan ko na title), Bing Bam Bung, Planet op di eyps, at Mr. and Mrs. Nakita ko yung Force One Animax pero di ko siya nasubaybayan. Dati Bata Batuta nakabili ako pero di ko kinolekta. Pili na lang ang mga nagtitinda nito. Sa probinsya meron pa, sa Maynila sa mga iilang palengke na lang meron.
Anime Kabayan - May Zoids pa pala sa GMA. Akala ko kasi wala na. I-uupdate ko na lang ang site kapag may balita na.
Nelson - Pasensya na kung di ka maka-relate sa topic ko. Naiintindihan ko naman yun. ^_^
Misaki - dito sa amin maraming Zenki teks ka na mabibili noon. Lumalabas tuloy ang edad ko. hehehe. Yup yung first season nga yun. tapos siguro yung mga bagong episodes na. Sa palagay ko rin na baka ang ipalabas ng ABS-CBN ngayon ay mula 1 hanggang 104 or 106 dahil sa tingin ko by seasons kung mag-acquire ng episodes ang ABS-CBN ng mga anime nila.
Wednesday, March 09, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Yeah..maganda ang Transformer! fascinated ako noong bata pa ako..sa mga robot...gusto ko si Bumble Bee..uso kasi ang volkswagen noon eh...tapos paborito ko din yung isa sa mga kasingtangkad ni Bumble Bee.(nakalimutan ko name!
Although I like Gundam series and Evangelion, di ko type ang transformers. Main reason is walang interaction ng mga tao, and puro robots lang. Naweweirdan lang ako.
I don't see anything wrong sa Armada, maybe panonoorin ko muna itong mabuti...
Hehe.. Di naman masyado. Pero parang ganun na nga. Marami rin naman ako alam sa HTML kung tutuusin. Nakikita ko nga na wala ka masyado time for your site basta okay lang yun as long na may visitors at buhay pa!
Post a Comment