May mga nagtatanong kasi sa akin kung bakit mas gusto ko ang mga anime na inilalabas sa ABS-CBN kaysa sa GMA samantalang mas maayos magpalabas at "magdub" ang huli kaysa sa una. marami akong dahilan para diyan. at heto ang mga rason ko.
1. Marami sa mga nagustuhan kong anime ay nagmula sa ABS-CBN.
2. Sa aking opinyon, mas magaling magdub ang mga dubbers dito sa ABS-CBN. Kahit sabihin natin na karamihan ngayon sa mga dubbers ay independent at palipat-lipat sa mga istasyon, karamihan po sa mga ito ay nagsimula at nahasa ang kakayahan sa dubbing sa ABS-CBN.
3. My kaugnayan ito sa no. 2 na dahilan. Para sa akin, mas maraming dubbers sa ABS-CBN kaysa sa GMA at maraming baguhan ang napro-produce nila. Sa GMA kasi, madalas sila-sila na lang mga dubbers ang nagboboses sa mga animes. Magaling nga sila dahil mga beterano na sila sa propesyon ng pagdadub pero dapat magtrain rin naman ng iba para may bago naman sa pandinig.
4. Karamihan sa mga animes sa GMA ay nanggaling sa Telesuccess. Hindi ko sinasabing hindi maganda ang mga anime nila pero wala ba sariling diskarte ang GMA sa pagkuha at pag-angkat ng anime. Umaasa na lang sila sa Telesuccess sa kanilang anime programming.
Yan ang mga dahilan ko. Kahit may bagay akong kinaiinis sa ABS-CBN pagdating sa anime(ex. editing at pagcut sa opening/ending), nananatili pa rin ang pagsuporta ko sa anime sa ABS-CBN. Pero in fairness naman sa GMA, nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil kahit papaano nagkaroon ng iba pang mapagpipilian mga animes ang mga anime fans. Salamat sa inyong pagbabasa nitong entry na ito. ^_^ Domo Arigato!
Social Blog:
Tar: salamat sa iyong reaksyon. ^_^
Yui: Well ganun na nga siguro. masarap rin namang makapunta sa Amerika pero sa tingin ko kahit mahirap mabuhay dito sa Pinas, mas masaya naman kung sa sariling bayan ka, di ba?
The MAGTIBAY ANIME EyeWatchers: Happy New Year rin sa inyong diyan. Impossibleng mangibabaw ang ratings ng anime ng 2 sa 7 kung nationwide ang pag-uusapan, hindi naman lahat ng tao nakakapanood ng anime ng 2 dahil na rin sa mga Regional Networks.
yun lang muna. hanggang sa muli. :D
Thursday, January 27, 2005
Subscribe to:
Posts (Atom)