Sunday, December 04, 2005

Animax, Hero Con, at Naruto Season 3 sa ABS-CBN!

Sorry nga pala kung medyo ngayon na lang ulit ako ng panibagong entry dito sa aking blog. Medyo inatake na naman kasi ako ng aking katamarang mag-post nung mga nakaraang mga buwan. Bueno, kalimutan na lang natin yan at sisimulan ko na ngayon ang entry ko. Nung mga nakaraang buwan, medyo matumal ang takbo ng anime sa local TV dahil sa mga rerun at mga hindi masyadong interesting na anime para sa akin. Though may mga rerun na gusto kong ulitin, karamihan sa mga rerun anime ay di ko gusto. Kaya madalas ay sa Animax ako nakatutok. Gusto ko nga sana na mapanood ang mga anime programs sa Hero channel pero sa kasamaang-palad, walang Hero rito sa cable provider ko rito sa Olongapo city. Sayang pero nagpapasalamat na rin ako at may Animax na dito. Well, baka next 2 years ay may Hero na rin na kasama sa line-up kasi mga 1 year mahigit rin bago nagkaroon ng Animax dito.

Well, speaking of Hero TV, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapunta sa "Hataw! Hanep! Hero! The Grand Channel Launch" na ginanap sa PhilTrade Training Center sa Pasay City. First time ko nga na makapunta sa isang anime convention. Masaya na nakakapagod ang experience dahil sa natagalan sa pagpasok sa venue dahil sa unorganized na entrance dahil na rin sa dami ng tao dahil na rin sa libre ang entrance dito di tulad sa mga nakaraang anime con na ginanap. Pawis na ako nung makapasok na ako sa loob ng venue. Maraming booths ng mga anime merchandise, Toy Gallery, mga palaro, at siyempre, ang pinakaaabangan na Cosplay competition. Maraming mga nagcosplay at karamihan ang kinosplay ay mga characters ng Naruto, ang sikat na anime sa ngayon dito sa Pilipinas. Pero kahit nakakapagod ay nag-enjoy naman ako dahil bukod sa mga nakita ko sa convention ay nakita ko na rin sa personal ang mga kapwa ko ABS-CBN anime forumers na sina Mikan, tetsugaku-sha, Colleen at Lei. Maganda ang experience na yun. Sana maulit muli dahil sa di ko masyadong naka-usap sina Colleen at Lei sa event dahil mas mauna sila nakapasok kaysa sa amin nina tetsu at Mikan kaya sila ang mas makilala ko ng husto. :D Bawi na lang ako sa susunod.

Bago ko pala tapusin ang entry ko ay inaanyayahan ko kayo na manood ng Naruto season 3 sa ABS-CBN simula bukas, December 5, 2005 Weekdays @ 5:30 pm. Akala ko noon ay uulitin lang ng ABS-CBN ito at tatanggalin muna nila ito sa ere para makapag-ipon ng mga episodes bago ulit nila ibalik. Pero di ko inaasahan na magagawa ng ABS na ipalabas na ang Naruto season 3 ng ganito kaaga. Well, napabilib nila ako. Ngayon ang tanong na lang ay kung ilang episodes ang ipapalabas nila ngayon? Di pa kasi tapos sa Japan ang Naruto at nasa episode 162 pa lang ang latest na Naruto anime. Sa ngayon, puro filler episodes(mga pangyayari na di kasama sa manga[comics]) ang palabas na Naruto Anime sa Japan dahil sa pinalalayo muna nila ang anime sa manga na sa ngayon naman ay nasa Chapter 286. Dahil kapag ginawa na ang nila kaagad ang anime na latest sa manga ay makakahabol na ito sa manga at mahihirapan na silang makagawa pa ng anime mula rito since kinukuha nila ang istroya ng anime sa manga nito. Inaasahan pa na matatapos ang filler episodes sa April 2006 pa. Ang dasal ko lang ay sana maipalabas ng ABS ang Naruto episodes 107-135 para kahit papaano at matapos nila yung arc ng laban nina Naruto at Sasuke. Pero kung makakakalap pa sila ng lagpas sa episode 135 ay mas maganda yun. Bueno, tatapusin ko na itong entry na ito. Hanggang sa susunod na entry na lang ulit. :P

Sunday, September 25, 2005

Political test result at ang pagkakaroon ng Animax.

Pasensya na kayo kung ngayon lang ulit ako gumawa ng panibagong blog entry. Anyway, Heto ang resulta ng aking pagkuha ng isang political test na nakita ko sa blog ng aking online buddy na si soulassassin547. Kung gusto nyo try nyo rin ito: http://www.okcupid.com/politics

You are a

Social Liberal
(68% permissive)

and an...

Economic Liberal
(31% permissive)

You are best described as a:

Democrat




Link: The Politics Test on OkCupid Free Online Dating


Malaki ang tuwa ko ngayong buwan na ito. Ito ay dahil sa pagkakaroon na rito sa Olongapo ng Animax, ang 24-hr anime channel. Matagal ko talagang pangarap na magkaroon rito ng Animax. Nitong September 7, 2005 nagsimula ang test broadcast rito at naging permanente na noong September 15, 2005. Pinalitan ang Nickelodeon dito at Animax ang pinalit. Enjoy ako ngayon dahil marami nang mga anime na mapapanood at di lang umaasa sa mga local channels natin dito. Paborito kong mga anime titles ngayon sa Animax ay ang Twin Spica, Great Teacher Onizuka(GTO), Ghosts At School, Otogi Zoshi, The Legend of Magatama, at Cardcaptor Sakura. Sa mga susunod na entries ko, i-didiscuss ko rito ang ilan sa mga nabanggit kong mga anime. Sana sa susunod ay may Hero na rin kami para the best of both channels ang ma-enjoy ko. Sa ngayon, bye-bye muna.

Friday, August 05, 2005

Ang pagbabalik-tanaw sa aking paboritong anime, ZENKI!!!!!!!!(UPDATED)

Image Hosted by ImageShack.us
Isa sa mga dahilan kung bakit ko nagustuhan ang ABS-CBN pagdating sa anime ay dahil sa ipinalabas nila ang PINAKAGUSTO kong anime, ang anime na ZENKI. Kung hindi nyo alam ang anime na ito, bibigyan ko kayo ng pambungad na pagpapakilala rito. Base ito sa napanood ko sa ABS-CBN. Ipinalabas ang Zenki noong araw ng lunes, Marso 10, 1997 sa ABS-CBN tuwing lunes-biyernes @ 3:30 pm o pagkatapos ng Star Music Video. Tungkol ito sa isang alagad na nagngangalang Zenki, ang dakilang alagad ng isang manggagaway na nagngangalang Oznai. Si Oznai ay isang makapagyarihang manggagaway na tagapangalaga ng kapayapan at katiwasayan sa buong bayan mula sa mga halimaw na likha ng mga nagkalat na binhi ng kadiliman. Sa tulong ni Zenki, nagawa nilang puksain ang mg halimaw. Pagkatapos noon ay ikunulong at pinatulog ng Dakilang Oznai ang alagad na si Zenki sa isang monumentong bato ng templo.

Lumipas ang ilang siglo at dumating ang makabagong panahon, ang kasalukuyan, ang namamahala na sa Templo ng Dakilang Oznai ay isang matandang babae na nagngangalang Saki at ang kanyang apo na mula sa lahi ng Dakilang Oznai na si Cheri Nai(Chiaki sa Japanese), isang nag-aaral na maging magaling na manggagaway at nag-aaral ng high school sa Bayan ng Gardan. Isang araw, may dumating na dalawang manlalakbay sa Templo ng Dakilang Oznai upang kunin ang nakatago roon na binhi ng kadiliman(parang kamukha siya ng isang walnut na kapag nagising ay bumubukas ang mata nito) bilang kautusan sa kanila ng reyna ng kadiliman na si Karma. Nagtagumpay sila at naging isang halimaw sa tulong ng binhi. Nalaman ito nina Cheri at Lola Saki. Pero inatake sila ng halimaw. Pati mga kaibigan ni Cheri na naroon ay nadamay sa kaguluhan at n aging kampon ng kadiliman. Noong nasukol sina Cheri ng halimaw, napasigaw para humingi ng tulong. Nang biglang may nakasisilaw na liwanag na lumitaw at pagkatapos noon ay nakita na lang ni Cheri na may suot na siyang gintong pulseras na may pulang bato sa gitna sa may kanang pulso niya. Sinabi ni Lola Saki na ang pulseras na yan ang pulseras upang tawagin ang dakilang alagad na si Zenki. Sinabi rin niya na gumawa si Cheri ng hugis tala sa pamamagian ng kamay niya at sambitin ang dasal para tawagin ang dakilang alagad. Pagkatapos gawin iyon ni Cheri, biglang sumabog ang isa sa monumentong bato sa templo. Nang humupa ang usok, nagulat sina Cheri na isang maliit na bata ang lumabas. Pinagtawanan sila ng halimaw. Sinubukang lumaban ng bata pero pinatalsik lamang ito ng halimaw. Habang nangyayari ito, biglang nalaman ni Cheri ang dasal kung paano pakakawalan ang tunay na kaanyuan ni Zenki dahil kinausap siya ng Dakilang Oznai sa isip. At binigkas na niya ang dasal, at mula rito isang malakas at mabangis na nilalang ang lumitaw, ang dakilang Zenki. Sa pagkakataong ito, walang nagawa ang halimaw sa lakas ng dakilang alagad at tinapos na ni Zenki ang halimaw. Kumawala ang binhi ng kadiliman at kinain ito ni Zenki. Pagkatapos noon ay tinangkang tapusin ni Zenki si Cheri para makalaya na siya pero dahil sa pulseras ay bumalik ulit ito sa pagiging isang maliit na bata. At yun ng simula ng mga pakikipagsapalaran nina Cheri at Zenki para iligtas ang mundo laban sa mga halimaw na dala ng binhi ng kadiliman at sa mga kasamaan ni Karma at ng kanyang mga alagad na sina Glen, Gaula, at Anji. Kasama rin nila sa mga pakkikipaglaban ay sina Lola Saki, Apo Jukai, Kuribayashi, at Sohma Miki. Naglumaon ang serye, nadagdagan sila ng mga kakampi, tulad ni Kazue, Propesor Kuwauri at ang batang si Sho(Akira sa Japanese) Goto, ang nagmana ng dugo ng dakilang Gouki, ang alagad ng liwanag, na kasamahan ni Zenki na piniling mamuhay sa piling ng mga tao. Kung nagdagdagan sila ng kakampi, nagkaroon rin sila ng ibang kalaban tulad ni Inugami at Kagetora. Mahaba ba ang pambungad ko. :D

Naitanong nyo ba kung bakit bigla ko itong pinag-usapan. Kasi muling magbabalik ang anime na Zenki sa Philippine TV sa pamamagitan ng bagong cable channel na Hero. According sa Hero TV Blog, magsisimula ang airing nito sa August 6, 2005, tuwing sabado. Pero hindi pa ito official airing dahil under test broadcast pa rin hanggang ngayon ang Hero TV at magtatagal hanggang August 27. Pero kahit ganun, at least, maipapalabas na rin muli ang Zenki. Ang tanging hiling ko lang ay sana ay maisipan na ng cable provider namin na mag-avail na ng Hero. *wishfull thinking* :)

Image Hosted by ImageShack.us


PLUG: Bago na ang name at url ng aking forums, Tatawagin na itong Zen Pinoy Otaku Headquarters(formerly known as Zen Anime Talk(ZAT). Heto na ang bagong url niya @ Zen Pinoy Otaku HQ, Your Intelligent Alternative Anime Messageboard. Itong mesasageboard na ito ay isang partnership ng Zen119's Anime Scrapbook at Magtibay Anime Worldwide(Web) Philippines. Sana makasama namin kayo sa mga kuro-kuro tungkol sa Anime.

Bagon na rin ang ABS-CBN Forums: ABS-CBN FORUMS:)

Tuesday, July 26, 2005

Mabuhay ang Hero TV, ang unang Filipino-Dubbed Anime channel sa Pilipinas!

Kamakailan, may kumalat na balitang isang bagong channel ang i-lalaunch ng ABS-CBN(actually, isang subsidiary ng ABS-CBN ang mamamahala, ang Creative Programs, Inc.) sa pakikipagtulungan ng Telesuccess Productions, Inc., na mag-fefeature ng mga Filipino-dubbed animes, world-class animations, at Japanese live-action series. At ngayon, na-kumpirma na ang bagong channel na tinawag na HERO TV. Official launch ng Hero TV ay magaganap sa darating na buwan ng Agosto. Marami na ang nag-aabang sa channel na ito(isa na po ang inyong lingkod). Matagal ko na rin na gusto kong may makaisip na gumawa ng isang Filipino-dubbed anime channel na maglalabas ng mga dating animes na lumabas sa mga local channels natin noon na kinagiliwan ng mga Pilipinong manonood at mga bagong anime na tiyak na kakagigiliwan rin. Kumalat na rin ang balitang ito sa mga forums sa net. Iba-iba ang mga naging reaksyon ng mga ito, may mga gusto at natuwa dahil mapapanood na ulit nila ang mga kinagiliwang anime noon pero meron ring mga tutol at nagtaas ng kilay dahil panget ang naka-line-up na anime nila at panget ang anime dahil dubbed sa Pilipino ang mga anime at hindi naman daw puro anime ang nakalagay, at kung anu-ano pang kadahilanan. Para sa akin naman, hindi na importante sa akin kung may ayaw na mga anime fans dito sa Hero, kanya-kanya tayo ng panlasa paagdating sa anime, at ako gusto ko ang anime na dubbed sa Filipino at may variety ang mapapanood mo, di lang anime. Kaya buo ang suporta ko para sa Hero TV. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Hero TV, magsadya lang kayo sa kanilang blog(ang kanilang official site ay kasalukuyan pang ginagawa kaya itong blog na muna ang bisitahin nyo para sa inyong mga kumento at mga panukala): HERO TV BLOG at para sa karagdagang topic ukol rito, puntahan nyo rin ang blog ng aking kaibigang si Anime Kabayan. Sana ay magtagumpay ang HERO TV dito sa Pilipinas, para ito sa mga Pinoy Anime Fans. Mabuhay kayo.

P.S. Salamat sa mga comments nyo, Anime Kabayan, julian, Nelson, witch_slayer_rodel, Misaki, Irish, at nagi sa huling entry ko sa blog. Thanks rin kay tetsugaku-sha at Anime Kabayan para sa suggestion ng bagong topic na ito. Pasensya na kayo kung ngayon lang ulit ako gumawa ng bagong blog entry. Wala kasing maisip na bago. Buti at dumating ang news tungkol sa Hero TV. :D

Monday, May 23, 2005

Dahil sa Meteor Garden, nagulo muli ang afternoon timeslot ng animes sa ABS-CBN at GMA.

Noong nakaraang Mayo 9, 2005, muling ibinalik ng ABS-CBN ang phenomenal(sa aminin man natin o sa hindi) na taiwanese soap na Meteor Garden(na galing ang istorya sa manga at anime na Hana Yori Dango), at muli rin nagambala ang ilan sa mga animes na ipinapalabas ng ABS-CBN at GMA. Though may isyu na sa GMA anime fans tungkol sa pagkakatanggal bigla ng Marmlade Boy sa pang-umagang timeslot nito at sa Striker Hungry Heart sa hapon at pinalitan ng Sorcerer Orphen, medyo lumaki ang problema ng anime sa GMA dahil nga sa Meteor Garden. Nagawang tapatan ng GMA ng koreanovelang Sweet 18 na naging resulta ng pagtanggal sa anime na Sorcerer Orphen na ilang araw pa lang na nasa ere dahil masyadong siksik na ang afternoon schedule ng GMA. Pero nadagdagan muli ang anime ng GMA dahil sa pagbabalik-muli ng Flame of Recca(na ipinalabas na rin para itapat sa Naruto noon) ka-back-to-back ng Sweet 18 para matalo sa ratings ang Meteor Garden. Sa kasamaang-palad ay hindi ito nagtagumpay, namayagpag pa rin ang Meteor Garden laban sa Recca at Sweet 18. Pagkatapos ng isang linggo, binagong muli ng GMA ang kanilang afternoon schedule, Naurong ang Anime Swak Pack ng mas maaga at bigla nilang tinanggal ang Knockout at inilipat sa linggo ng umaga na naging dahilan naman ng pagkawala ng Shadow Skill nang hindi pa ito natatapos. Kaya ito ginawa para mailagay ang recent hit ng GMA na koreanovelang Full House kapalit ng Sweet 18 para itapat sa Meteor Garden. Inilipat na lang ang Sweet 18 sa Sabado at linggo ng umaga kapalit ng Endless Love. Ang resulta ngayon, dalawang anime na lang ang natira sa Anime Swak pack, ang One Piece at ang Flame of Recca. Pero di rin kawala ang ABS-CBN tungkol dito kasi nagawa nitong isakripisyo ang anime na Yu-Gi-Oh! Season 3 para lang maipalabas muli ang Meteor Garden(sinasabing ang dating presidente ng ABS-CBN na ngayon daw ay Consultant na nila na si Freddie Garcia ang nagpanukala nito). Nasasabik pa naman akong mapanood na ang Yu-Gi-Oh! Ngayon, Naruto na lang ang natitirang anime sa hapon ng ABS-CBN(ok na rin naman kasi new episodes na nito ang ipinapalabas). Medyo hindi na rin bago itong pangyayaring ito dahil nagawa rin noon ng Meteor Garden na mabulabog ang anime programming sa ABS-CBN at GMA nung una itong ipinalabas noong Mayo 2003.

Sa aking palagay, kung talagang mahalaga sa GMA ang mga anime fans at di lang ratings ang gusto nila, sana'y pinabayaan na lang ng GMA ang Anime Swak Pack. Lalo lang tuloy nadagdagan ang mga unfinshed animes nila tulad ng Medabots(natanggal noong 2004), Marmalade Boy, Striker Hungry Heart, Sorcerer Orphen, at ngayon ay ang Shadow Skill. Isa pa, nangako ang GMA na ipapalabas nila ngayong summer ang animes na Hamtaro at FullMetal Alchemist pero mukhang matatagalan pa dahil patapos na ang summer hindi pa rin nila ito ipinapalabas. Baka sabihin nyo na bakit GMA lang yata ang pinupuna ko at di ang ABS-CBN, ayoko rin yung ginagawa nila na nasasakripisyo ang kanilang mga anime para mapagbigyan lang ang ibang programa, pero sa tagal na nilang ginagawa ito nakasanayan ko na nagiging sakripisyong tupa ang animes nila. Ibang kaso naman ang sa GMA dahil ngayon lang nila binigo ng ganito ang kanilang mga anime fans. Yung iba nga ay gumawa na ng hakbang para maiparating sa GMA management ang kanilang hinaing tulad ng ginawa ni Anime Kabayan nang nagpadala siya ng email sa mga dyaryo tungkol sa hinaing niya sa mga nagiging lagay ng anime sa GMA at napansin ni Jojo Gabinete ang email niya at ipinublish ito sa ABANTE. Marami ang humanga sa kanya, isa na ako doon, sa kanyang ginawang hakbang.

Bilang pagtatapos ng entry kong ito, gusto ko lang sabihin na kapag kompetisyon na ang pinag-uusapan, naisasantabi na ang anime. Sana'y dumating ang panahon na hindi na ginagawang sakripisyo ang anime ng mga TV networks. Yun lang ang masasabi ko ko.

Monday, April 25, 2005

55% Normal ako. What the heck!

Sinubukan ko ang isang quiz called How Normal are you? na nakita ko sa blog ni Lei, kapatid ng online buddy kong si Misaki. At ito ang lumabas:





You Are 55% Normal

(Somewhat Normal)









While some of your behavior is quite normal...

Other things you do are downright strange

You've got a little of your freak going on

But you mostly keep your weirdness to yourself




Ganon! di bale na nga lang. Quiz lang naman yan. Di ko na dapat seryosohin. :D

Thanks sa mga bumibisita rito sa blog ko, lalo na kina Misaki, Anime Kabayan, at Nelson. I'm really happy. ^_^

Saturday, April 16, 2005

Walang maisulat sa blog kaya........

heto medyo inayos ko ng konti itong blog ko. Pansin nyong may shoutbox na ang blog ko(salamat kay nelson) at inilagay ko ang ilang mga links mula sa mga online buddies ko. Well, yun lang muna. Wala talaga akong interesting na topic na maisip na isulat ngayon. Ja'ne!

^_^!

wala munang social blog ngayon!

Wednesday, March 09, 2005

Ang pag-alala sa Transformers!

Noong 80's, isa sa mga pinakapaborito kong animation(hindi pa masyadong sikat ang word na anime noon) sa TV ay ang The Transformers. Una, dahil fascinated ako sa mga robots. Pangalawa, gusto ko ang kanilang transformation mula sa robot form magiging sasakyan sila o gamit at vice-versa, at panghuli, may continuity ang istorya. Ang istorya ay umiikot sa labanan ng mga robots mula sa planetang Cybertron na nadala ang labanan sa planetang Earth. Ang labanan ay sa pagitan ng mga Autobots(ang mga bida sa istorya) at ang Decepticons(ang mga kontrabida). Ang pinuno ng mga Autobots ay si Optimus Prime at sa Decepticons naman ay si Megatron. At dahil sa kasikatan ng seryeng ito at nagkaroon ito ng pelikula kung saan ipinakita roon ang pagkamatay ni Optimus Prime dahil sa natamong sugat sa huling labanan nila ni Megatron(pero nakailang reincarnations rin si Optimus pagkatapos noon), ang pagbabagong-anyo ni Megatron at naging si Galvatron, ang pag-atake ni Unicron(isang higanteng robot na puwedeng maging planeta) at ang pagtalaga sa magiging bagong pinuno ng mga Autobots. Nasundan pa ito ng ibang serye ng Transformers na iba sa original na konsepto. Medyo nababoy ito nung sinubukan ng ABC 5 na i-dub ito sa Filipino noong 2000(nasanay na kasi sa English language na ginamit sa Transformers noong 80's hindi pa uso ang Filipino dub). Nagustuhan ko ang pagkakadub ng ABS-CBN sa Beast Wars Transformers at Beast Machines Transformers noon(medyo di ko gusto ay ang pagka-3D nito). At ngayon, muling nagbabalik ang Transformers dahil sa bagong serye na tinawag na Transformers: Armada na ipapalabas sa GMA ngayong March 12, 2005, tuwing sabado at linggo @ 7:30 am(kahit kapamilya ako manonood ako nito dahil Transformers fan ako kahit saan pang channel ipalabas ito). Well, then. AUTOBOTS...TRANSFORM....AND ROLL OUT!

"THE TRANSFORMERS...More than meets the eye! Autobots wage their battle to destroy the evil forces of the Decepticons."


Social Blog:
TAR - salamat sa pagpost mo sa topic kong Ang buhay ng isang kolektor. Oo nga, hindi din magmaintain ng VHS tapes. di ko naman mapanood na yung iba na medyo matagal na dahil masisira naman yung VCR na ginagamit ko. Pansin ko rin na minsan irregular na ang distribution ng FK dito sa Gapo. Hindi na ako nagtataka kung di mo nagustuhan ang ending ng A.X noon. May limitasyon kasi dahil nga isa siyang pambatang komiks. Pero sa akin ok lang. Style ni DBR: Ok sa akin. Hindi naman maruming tignan. opinyon ko lang naman.

witch_hunter_rodel - ako di ko na naabutan yan. Ang naabutan ko lang ay ang Tomas en Kulas, Niknok, Eklok, Little Ninja, Twinkee at Exhor, yung dalawang anghel(kalimutan ko na title), Bing Bam Bung, Planet op di eyps, at Mr. and Mrs. Nakita ko yung Force One Animax pero di ko siya nasubaybayan. Dati Bata Batuta nakabili ako pero di ko kinolekta. Pili na lang ang mga nagtitinda nito. Sa probinsya meron pa, sa Maynila sa mga iilang palengke na lang meron.

Anime Kabayan - May Zoids pa pala sa GMA. Akala ko kasi wala na. I-uupdate ko na lang ang site kapag may balita na.

Nelson - Pasensya na kung di ka maka-relate sa topic ko. Naiintindihan ko naman yun. ^_^

Misaki - dito sa amin maraming Zenki teks ka na mabibili noon. Lumalabas tuloy ang edad ko. hehehe. Yup yung first season nga yun. tapos siguro yung mga bagong episodes na. Sa palagay ko rin na baka ang ipalabas ng ABS-CBN ngayon ay mula 1 hanggang 104 or 106 dahil sa tingin ko by seasons kung mag-acquire ng episodes ang ABS-CBN ng mga anime nila.

Monday, February 28, 2005

Funny Komiks: the best pa rin mula noon hanggang ngayon

Nasabi ko na sa last blog ko ang tungkol sa pangongolekta ko ng Funny Komiks, ang matatag na pambatang komiks sa kasaysayan ng Pinoy komiks. Una kong nakita ang komiks na ito noong 1991 mula sa isang kong kaklase na nagbabasa nito. Medyo nacurious ako kaya hiniram ko at binasa. Nagustuhan ko ang mga kuwento lalo na ang Tomas en Kulas na gawa pa ng original na artist nito na si Michael Rennen Oniate(tanda ko pa ang name niya). Pero nagsimula akong mangulekta nung lumabas ang kuwento ni Combatron na gawa at guhit ni Berlin Manalaysay tungkol sa isang bata na nagngangalang Empoy na pinagkalooban ng isang mandirigmang taga-ibang planeta(na sa huli ay nalamang ama pala niya)ng makapangyarihang armor na nagtataglay ng kapangyarihan ng kalawakan. Misyon niya na ipagtanggol ang mundo mula sa mga space warriors mula sa planetang Omnicron sa pamumuno ni Abodawn. Sinubaybayan ko ang seryeng ito na sumikat noong 90's hanggang sa hindi na naipagpatuloy ni Sir Berlin at iba na ang tumapos ng serye. Kaya patuloy pa rin ang aking pangungulekta nito ay dahil sa bagong sikat na serye na anime-inspired ang drawing, ang A.X Defenders of the Universe na sa ngayon ay nasa ikatlong kabanata na. Tungkol ito sa 9 na kabataang inatasan sa tungkulin na ipagtanggol ang kanilang mundo na tinatawag na Adeniss X mula sa kalupitan ng isang mananakop na si Emperador Reinjja. Kung gusto nyong malaman pa ang tungkol sa seryeng A.X, tignan nyo na lang ang website na tribute ko sa serye na ito, The Unofficial A.X website. Medyo may mga di pa tapos na ilang pages pero ok naman. Kahit sabihin ng iba na hindi na pinoy ang Funny Komiks, para sa akin at sa mga tumatangkilik nito ay the best pa rin ang FK. Sige, yun na lang muna.

Shout-outs: salama sa comment ni animewarriordoncute. alam ko na dapat di tinitignan sa kung ano ang istasyon ang isang anime nakalagay basta maganda ang anime. kaya lang di maiiwasang para sa akin may prefered station ako pagdating sa anime kaya ganun ang opinyon ko.

Social Blog:
Misaki - ^_^! Gusto ko sanang ipa-scan ang mga anime kong teks pero dapat may sarili kang scanner. mahal kasi ang pa-scan sa mga computer shops. Ako di ako naglalaro ng teks, for collection purposes lang ang habol ko dun. PInakatreasured kong teks ay yung ZENKI, obvious naman di ba?

Anime Kabayan - Paborito nyo pala noon ang Tinay Pinay at A.X. Ako, A.X at Combatron ang pinakapaborito kong serye nila. Sa ngayon, sinusubaybayan ko pa rin ang seryeng A.X 3.

animemp3hunter - Salamat sa iyo! Sana maging active ulit webpage mo. Gusto ko rin magkaroon ng collection ng mga anime themes sa MP3 kaya lang wala akong MP3 player. Magtitiyaga na muna ako sa cd.

Friday, February 11, 2005

Ang buhay ng isang kolektor!

Isa sa mga pinagkakaabalahan ko ay ang pangongolekta. Nagsimula ako sa pangongolekta ng Pilipino Funny Komiks(at hanggang ngayon di ko pa tinitigilan dahil na rin sa nakasanayan na at ito ang pinakamalaking koleksyon ko sa ngayon), tapos natuon sa mga cards at teks(X-Men, Marvel) at comics nila(pero di ko na itinuloy dahil mahal bumili nito), tapos nang lumabas na ang animes tulad ng Sailormoon, Ghost Fighter, atbp. nangolekta ako ng mga teks ng mga ito. Nung natutunan kong paganahin ang aming VHS player, nagsimula na akong mag-record ng mga animes sa TV. Sa ngayon, yung ibang tapes medyo inaamag na dahil sa katagalan. sana mapanood ko pa yung mga anime na yun. Ngayon, nagconcentrate muna ako sa Funny Komiks at mga Filipino-made comics and magazines. Hindi ko maipaliwanag ng mabuti kung bakit ako nangongolekta pero siguro dahil ito ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan. ^_^

shout-outs: barnacleboy, syao-chan, animewarriordoncute at sailormoon = salamat sa mga pananaw nyo sa Ragnarok topic ko.

Social Blog:
seia: Thanks!

WITCH HUNTER RODEL: para sa akin, ok lang kung tungkol sa Japanese culture pero kung sa referring names tulad ng -chan, parang di kasi bagay.

Misaki: Sang-ayon ako sa iyo. pareho tayo ng nararamdaman ukol sa bagay na iyan. iniisip ko na baka kindred spirits tayo pagdating sa taste natin sa anime. ^_^

Anime Kabayan: Your welcome! Kahit magkaiba ang ating pananaw tungkol sa mga anime na pinapanood natin, kahit papaano ay naibibigay natin ang ating saloobin ukol dito na di napupunta sa away.

bye-bye muna! see ya later, alligator!

Thursday, January 27, 2005

Mga dahilan kung bakit mas Kapamilya ako kaysa Kapuso pagdating sa anime.

May mga nagtatanong kasi sa akin kung bakit mas gusto ko ang mga anime na inilalabas sa ABS-CBN kaysa sa GMA samantalang mas maayos magpalabas at "magdub" ang huli kaysa sa una. marami akong dahilan para diyan. at heto ang mga rason ko.

1. Marami sa mga nagustuhan kong anime ay nagmula sa ABS-CBN.
2. Sa aking opinyon, mas magaling magdub ang mga dubbers dito sa ABS-CBN. Kahit sabihin natin na karamihan ngayon sa mga dubbers ay independent at palipat-lipat sa mga istasyon, karamihan po sa mga ito ay nagsimula at nahasa ang kakayahan sa dubbing sa ABS-CBN.
3. My kaugnayan ito sa no. 2 na dahilan. Para sa akin, mas maraming dubbers sa ABS-CBN kaysa sa GMA at maraming baguhan ang napro-produce nila. Sa GMA kasi, madalas sila-sila na lang mga dubbers ang nagboboses sa mga animes. Magaling nga sila dahil mga beterano na sila sa propesyon ng pagdadub pero dapat magtrain rin naman ng iba para may bago naman sa pandinig.
4. Karamihan sa mga animes sa GMA ay nanggaling sa Telesuccess. Hindi ko sinasabing hindi maganda ang mga anime nila pero wala ba sariling diskarte ang GMA sa pagkuha at pag-angkat ng anime. Umaasa na lang sila sa Telesuccess sa kanilang anime programming.

Yan ang mga dahilan ko. Kahit may bagay akong kinaiinis sa ABS-CBN pagdating sa anime(ex. editing at pagcut sa opening/ending), nananatili pa rin ang pagsuporta ko sa anime sa ABS-CBN. Pero in fairness naman sa GMA, nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil kahit papaano nagkaroon ng iba pang mapagpipilian mga animes ang mga anime fans. Salamat sa inyong pagbabasa nitong entry na ito. ^_^ Domo Arigato!

Social Blog:
Tar: salamat sa iyong reaksyon. ^_^

Yui: Well ganun na nga siguro. masarap rin namang makapunta sa Amerika pero sa tingin ko kahit mahirap mabuhay dito sa Pinas, mas masaya naman kung sa sariling bayan ka, di ba?

The MAGTIBAY ANIME EyeWatchers: Happy New Year rin sa inyong diyan. Impossibleng mangibabaw ang ratings ng anime ng 2 sa 7 kung nationwide ang pag-uusapan, hindi naman lahat ng tao nakakapanood ng anime ng 2 dahil na rin sa mga Regional Networks.

yun lang muna. hanggang sa muli. :D