Tuesday, November 16, 2004

Balitang TV

sa totoo lang, wala pa akong mailagay na matino-tinong topic ngayon kaya ilalagay ko na muna ng mga latest na balita na mangyayari sa TV ngayong linggo.

Nagbalik ulit kahapon ang Game Ka Na Ba sa ABS-CBN at ngayon ay mas pinaganda na ang format ng game(di tulad noong format nila noon sa Next LeveL Na, GKNB? kaya biglang naglaho). Palabas ito tuwing lunes-biyernes @ 12:00 nn.

Bukas, Nov. 17 ay ang bagong season ng Amazing Race kaya papanoorin ko ito. Ang pinakapaborito kong reality TV series. Mapapanood ito tuwing Miyerkules sa Studio 23 bukas ng 9:00 am at 8:20 pm at sa AXN naman tuwing miyerkules din sa ganap na 8:00 pm. Para sa mga replay, check the AXN schedules on their website at www.axn-asia.com.

Sa biyernes(11-19-02) ay gaganapin sa Clark Centennial Expo ang Silver Special Presentation ng Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga. EB fan kasi ako. Hindi talaga matatawaran ang saya na ibinibigay ng programa na ito sa sambayanang Pilipino kaya nagtagal ng 25 years. Ang balita ko ay more than 1,000 ang magpeperform sa event na ito. Ipapalabas ito na two-part sa GMA sa Nov. 27, 2004 @ 12 nn, sa linggo ng gabi naman ipapalabas ang part 2.

Tungkol naman sa anime, kakatapos lang kahapon ng Ragnarok The Animation sa ABS-CBN. Ang masasabi ko lang ay maganda ang RTA para sa akin pero di ko ito ang isa sa pinaka-fave ko. Noong linggo naman, nagsimula na ang anime na Cyborg 009. May pagka-astroboy at 70's anime ang feel niya. Pinalabas rin kahapon ang Masked Rider Ryuki sa ABS-CBN. Kung ako ang tatanungin, ok lang siya pero di ko pa rin maialis na maikumpara ko siya sa Masked Rider Black na para sa akin ay napakaganda, sayang nga lang at di yata natapos ng IBC ang MRB. Sa GMA, naman, nagsimula na noong nakaraang linggo ang bagong anime ng GMA na Witch Hunter Robin. Ok naman siya pero di ko na rin siya nasundan dahil mas gusto ko ang Getbackers at medyo di ko nagustuhan ang mga dubbers ng WHR. One Piece naman ok rin kaya lang medyo nababagalan ako sa pacing ng istorya nito kaya medyo natatamad akong panoorin except ngayon kasi maaksyon na. GOMA! GOMA! Kung ikukumpara ko ang pacing ng One Piece at Naruto, mas gusto ko ang pacing ng Naruto kaysa One Piece. Isa pa, mas fascinated na talaga ako sa mundo ng mga ninja noon pa man kaysa sa mundo ng mga pirata. Yun ay opinyon ko lang.

tatapusin ko ang blog na ito sa isang malungkot na balita. kasi noong nakaraang buwan, sinabi ng aming local cable provider tungkol sa posibleng pagkakaroon ng Animax sa channel assignment kung hindi marerenew ang kontrata ng aming Cable provider sa Cartoon Network. Pero ngayon malabo na kasi nawala na ang marquee announcement sa Cartoon Network. mukhang narenew na ang kontrata. hay, malas talaga. mangangarap na lang ulit ako na magkaroon ng animax dito sa Gapo. Bye!

SOCIAL BLOG:

Yui - Ganon ba. Ang Tough Hits album ay wala namang double meaning di tulad nung ibang novelty songs.


Thursday, November 04, 2004

CD review: Tito, Vic, and Joey's Tough Hits Compilation

Medyo lalayo muna tayo sa anime sa first blog entry ko ngayong November. Sorry kung walang akong blog entry noong October kasi tinamad ako. Kung nagtataka kayo sa title ng entry ko ngayon. Well, bukod sa anime, mahilig ako sa mga novelty songs tulad ng Spaghetti, Otso-otso, atbp. Siguro para sa inyo ay baduy ito o walang kuwenta, pero sa akin ok lang kasi dahil sa ganitong mga kanta napapangiti ako at nawawala ang mga alalahanin ko sa buhay.

Ang CD na ito ay ini-release ng Vicor Records nitong nakaraang Oktubre. 6 volumes ang CD compilation na ito at P150 pesos ang isang cd. Ang titles ng mga albums ay Tough Hits, Tough Hits Vol. 2, Tito, VIc and Joey Vol. 3, Sgt. Pepe Vol. 4, Tough Hits Vol. 5, at Seriously/Back to Normal Vol. 6. Digitally-remastered ito kasi noong late 70s pa nirecord ng TVJ ang album compilation na ito. Kung di nyo pa alam kung ano ang Tough Hits, mga kanta ito na ang tono ay galing sa mga sikat na kanta at ginawang katatawanan ang mga lyrics. Mga ginamit na tono ng kanta ay mula sa mga hits ng 60s at 70s. Mula kay Elvis, Beatles, Voltes V, at mga local OPM hits noon ay ginawan ng TVJ ng katatawanan. Kung trip nyo ang mga patawa nina Tito, Vic at Joey at may backgruond kayo ng mga hits noong 60s at 70s, siguradong magugustuhan nyo ang album compilation na ito.

Salamat kina Yui, The Magtibay Anime Eyewatchers, at syao-chan sa mga comments sa huling blog entry ko. TY! See ya later!