Ratings!
Isang salita na bukambibig ng mga die-hard Kapamilya o Kapuso fans sa mga forums ngayon. Isang salita na sinasabing "bibliya" ng mga TV Stations para mabuhay sa industriyang kinapapalooban nila. Isang salitang kontrobersyal ngayon dahil sa umano'y pandaraya ng isang TV Network para manguna sa ka-kumpetensyang TV Network.
Sa totoo lang, mula nang mauso itong salitang ito ay hindi na natigil ang iringan sa pagitan ng mga Kapamilya at Kapuso fans para maibida ang kanilang paboritong istasyon na kesyo sila ang numero unong pinapanood ng sambayanan. Mula ng nagsimula ito, puro numero na lang ang ginagawang basehan sa kung ano ang magandang panoorin. Wala na ba tayong sariling pananaw sa kung ano ang magandang panoorin at kung ano ang hindi. Maraming programa sa TV na mataas ang rating pero di naman maganda ang kalidad ng palabas at may mga programa na ang baba ng ratings pero maganda naman ang kalidad ng palabas. Nanghihinayang tuloy ako sa mga palabas na ito naipapawalang bahala dahil lang sa mababa ito sa ratings.
Sa totoo lang, dapat hindi na inilalabas ang ratings na ito sa madla at advertisers na lang ang makialam rito para hindi na maging basehan ang numero bilang batayan sa pagpili ng magandang palabas sa telebisyon at para matigil o kung hindi man ay mabawasan ang iringan ng mga maka-kapamilya o maka-kapuso.
Sa totoo lang, gusto kong balikan ang nakaraan kung saan walang alam ang mga manonood sa ratings na iyan. Nakakamiss ang mga panahong ito. Hay...
Wednesday, January 30, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)