Natutuwa ako ngayon dahil sa nabalitaan ko nang muling ibabalik ng ABS-CBN ang Eyeshield 21 simula sa lunes, August 27, 2007, tuwing lunes hanggang biyernes ng 9:30 am o pagkatapos ng Yakitate Japan. Pero hindi ko muna lulubusin ang kasiyahan ko dahil kailangan malagpasan ng Eyeshield 21 ang 2 week probational period kung saan bawat magdaang 2 linggo ay nagpapalit ng schedule ang ABS-CBN. Sa oras na malampasan ng ES21 ang pagsubok na ito. Doon lang ako mapapanatag na magtatagal na ito sa ere.
Sana nga po(crosses fingers). :)
Saturday, August 25, 2007
Friday, August 24, 2007
Ibalik! Ibalik ang Eyeshield 21sa ABS-CBN!
Ito ang aking matinding pakiusap sa ABS-CBN kung sakaling maligaw lang sila sa blog na ito.
Sa tingin ko ay maling desisyon ang pagkakatanggal ng anime na ito na sa huling telecast niya ay 10 episodes lang ang naipalabas rito. Ito rin ang dahilan ng pagkawala ng Weekday Hero Zone.
Pinaboran nyo pa ang telenobelang Innocente de Ti at ang bagong bihis na Kapamilya Cinema na ngayon ay Pinoy Movie Hits na ang pamagat.
Sana talaga ay maituloy nyo muli ang pagpapalabas sa Eyeshield 21. Sa ngayon, iniisip ko na lang muna na on-going pa ang series na ito sa Japan kaya tinanggal muna pansamantala.
Sa ngayon, hindi maganda ang lagay ng anime sa weekdays dahil sa mga ilang pagbabago sa schedule.
Ok, tama na muna ang sentimyento na ito.
Sa ngayon, enjoy na lang kayo sa music playlist ko sa imeem.com. Bisitahin nyo ako sa url na ito: http://jamibu.imeem.com/

Subscribe to:
Posts (Atom)