Sunday, December 04, 2005

Animax, Hero Con, at Naruto Season 3 sa ABS-CBN!

Sorry nga pala kung medyo ngayon na lang ulit ako ng panibagong entry dito sa aking blog. Medyo inatake na naman kasi ako ng aking katamarang mag-post nung mga nakaraang mga buwan. Bueno, kalimutan na lang natin yan at sisimulan ko na ngayon ang entry ko. Nung mga nakaraang buwan, medyo matumal ang takbo ng anime sa local TV dahil sa mga rerun at mga hindi masyadong interesting na anime para sa akin. Though may mga rerun na gusto kong ulitin, karamihan sa mga rerun anime ay di ko gusto. Kaya madalas ay sa Animax ako nakatutok. Gusto ko nga sana na mapanood ang mga anime programs sa Hero channel pero sa kasamaang-palad, walang Hero rito sa cable provider ko rito sa Olongapo city. Sayang pero nagpapasalamat na rin ako at may Animax na dito. Well, baka next 2 years ay may Hero na rin na kasama sa line-up kasi mga 1 year mahigit rin bago nagkaroon ng Animax dito.

Well, speaking of Hero TV, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapunta sa "Hataw! Hanep! Hero! The Grand Channel Launch" na ginanap sa PhilTrade Training Center sa Pasay City. First time ko nga na makapunta sa isang anime convention. Masaya na nakakapagod ang experience dahil sa natagalan sa pagpasok sa venue dahil sa unorganized na entrance dahil na rin sa dami ng tao dahil na rin sa libre ang entrance dito di tulad sa mga nakaraang anime con na ginanap. Pawis na ako nung makapasok na ako sa loob ng venue. Maraming booths ng mga anime merchandise, Toy Gallery, mga palaro, at siyempre, ang pinakaaabangan na Cosplay competition. Maraming mga nagcosplay at karamihan ang kinosplay ay mga characters ng Naruto, ang sikat na anime sa ngayon dito sa Pilipinas. Pero kahit nakakapagod ay nag-enjoy naman ako dahil bukod sa mga nakita ko sa convention ay nakita ko na rin sa personal ang mga kapwa ko ABS-CBN anime forumers na sina Mikan, tetsugaku-sha, Colleen at Lei. Maganda ang experience na yun. Sana maulit muli dahil sa di ko masyadong naka-usap sina Colleen at Lei sa event dahil mas mauna sila nakapasok kaysa sa amin nina tetsu at Mikan kaya sila ang mas makilala ko ng husto. :D Bawi na lang ako sa susunod.

Bago ko pala tapusin ang entry ko ay inaanyayahan ko kayo na manood ng Naruto season 3 sa ABS-CBN simula bukas, December 5, 2005 Weekdays @ 5:30 pm. Akala ko noon ay uulitin lang ng ABS-CBN ito at tatanggalin muna nila ito sa ere para makapag-ipon ng mga episodes bago ulit nila ibalik. Pero di ko inaasahan na magagawa ng ABS na ipalabas na ang Naruto season 3 ng ganito kaaga. Well, napabilib nila ako. Ngayon ang tanong na lang ay kung ilang episodes ang ipapalabas nila ngayon? Di pa kasi tapos sa Japan ang Naruto at nasa episode 162 pa lang ang latest na Naruto anime. Sa ngayon, puro filler episodes(mga pangyayari na di kasama sa manga[comics]) ang palabas na Naruto Anime sa Japan dahil sa pinalalayo muna nila ang anime sa manga na sa ngayon naman ay nasa Chapter 286. Dahil kapag ginawa na ang nila kaagad ang anime na latest sa manga ay makakahabol na ito sa manga at mahihirapan na silang makagawa pa ng anime mula rito since kinukuha nila ang istroya ng anime sa manga nito. Inaasahan pa na matatapos ang filler episodes sa April 2006 pa. Ang dasal ko lang ay sana maipalabas ng ABS ang Naruto episodes 107-135 para kahit papaano at matapos nila yung arc ng laban nina Naruto at Sasuke. Pero kung makakakalap pa sila ng lagpas sa episode 135 ay mas maganda yun. Bueno, tatapusin ko na itong entry na ito. Hanggang sa susunod na entry na lang ulit. :P