Noong nakaraang Mayo 9, 2005, muling ibinalik ng ABS-CBN ang phenomenal(sa aminin man natin o sa hindi) na taiwanese soap na Meteor Garden(na galing ang istorya sa manga at anime na Hana Yori Dango), at muli rin nagambala ang ilan sa mga animes na ipinapalabas ng ABS-CBN at GMA. Though may isyu na sa GMA anime fans tungkol sa pagkakatanggal bigla ng Marmlade Boy sa pang-umagang timeslot nito at sa Striker Hungry Heart sa hapon at pinalitan ng Sorcerer Orphen, medyo lumaki ang problema ng anime sa GMA dahil nga sa Meteor Garden. Nagawang tapatan ng GMA ng koreanovelang Sweet 18 na naging resulta ng pagtanggal sa anime na Sorcerer Orphen na ilang araw pa lang na nasa ere dahil masyadong siksik na ang afternoon schedule ng GMA. Pero nadagdagan muli ang anime ng GMA dahil sa pagbabalik-muli ng Flame of Recca(na ipinalabas na rin para itapat sa Naruto noon) ka-back-to-back ng Sweet 18 para matalo sa ratings ang Meteor Garden. Sa kasamaang-palad ay hindi ito nagtagumpay, namayagpag pa rin ang Meteor Garden laban sa Recca at Sweet 18. Pagkatapos ng isang linggo, binagong muli ng GMA ang kanilang afternoon schedule, Naurong ang Anime Swak Pack ng mas maaga at bigla nilang tinanggal ang Knockout at inilipat sa linggo ng umaga na naging dahilan naman ng pagkawala ng Shadow Skill nang hindi pa ito natatapos. Kaya ito ginawa para mailagay ang recent hit ng GMA na koreanovelang Full House kapalit ng Sweet 18 para itapat sa Meteor Garden. Inilipat na lang ang Sweet 18 sa Sabado at linggo ng umaga kapalit ng Endless Love. Ang resulta ngayon, dalawang anime na lang ang natira sa Anime Swak pack, ang One Piece at ang Flame of Recca. Pero di rin kawala ang ABS-CBN tungkol dito kasi nagawa nitong isakripisyo ang anime na Yu-Gi-Oh! Season 3 para lang maipalabas muli ang Meteor Garden(sinasabing ang dating presidente ng ABS-CBN na ngayon daw ay Consultant na nila na si Freddie Garcia ang nagpanukala nito). Nasasabik pa naman akong mapanood na ang Yu-Gi-Oh! Ngayon, Naruto na lang ang natitirang anime sa hapon ng ABS-CBN(ok na rin naman kasi new episodes na nito ang ipinapalabas). Medyo hindi na rin bago itong pangyayaring ito dahil nagawa rin noon ng Meteor Garden na mabulabog ang anime programming sa ABS-CBN at GMA nung una itong ipinalabas noong Mayo 2003.
Sa aking palagay, kung talagang mahalaga sa GMA ang mga anime fans at di lang ratings ang gusto nila, sana'y pinabayaan na lang ng GMA ang Anime Swak Pack. Lalo lang tuloy nadagdagan ang mga unfinshed animes nila tulad ng Medabots(natanggal noong 2004), Marmalade Boy, Striker Hungry Heart, Sorcerer Orphen, at ngayon ay ang Shadow Skill. Isa pa, nangako ang GMA na ipapalabas nila ngayong summer ang animes na Hamtaro at FullMetal Alchemist pero mukhang matatagalan pa dahil patapos na ang summer hindi pa rin nila ito ipinapalabas. Baka sabihin nyo na bakit GMA lang yata ang pinupuna ko at di ang ABS-CBN, ayoko rin yung ginagawa nila na nasasakripisyo ang kanilang mga anime para mapagbigyan lang ang ibang programa, pero sa tagal na nilang ginagawa ito nakasanayan ko na nagiging sakripisyong tupa ang animes nila. Ibang kaso naman ang sa GMA dahil ngayon lang nila binigo ng ganito ang kanilang mga anime fans. Yung iba nga ay gumawa na ng hakbang para maiparating sa GMA management ang kanilang hinaing tulad ng ginawa ni Anime Kabayan nang nagpadala siya ng email sa mga dyaryo tungkol sa hinaing niya sa mga nagiging lagay ng anime sa GMA at napansin ni Jojo Gabinete ang email niya at ipinublish ito sa ABANTE. Marami ang humanga sa kanya, isa na ako doon, sa kanyang ginawang hakbang.
Bilang pagtatapos ng entry kong ito, gusto ko lang sabihin na kapag kompetisyon na ang pinag-uusapan, naisasantabi na ang anime. Sana'y dumating ang panahon na hindi na ginagawang sakripisyo ang anime ng mga TV networks. Yun lang ang masasabi ko ko.
Monday, May 23, 2005
Subscribe to:
Posts (Atom)